Jake Cuenca clarifies alleged encounter with Jericho Rosales at Star Magic Ball

IMAGE Noel Orsal

Jake Cuenca on causing a scene at Star Magic Ball 2016: "Medyo naparami ako ng inom, so inalalayan ako ng handler ko, ng dalawang road manager ko. Medyo nag-mukha lang na may commotion, pero in reality I was having way too much fun and they just wanted me to go up and rest na."


Pinabulaanan ni Jake Cuenca ang usap-usapang nasangkot siya sa gulo noong nagdaang Star Magic Ball.

Kaugnay ito ng insidente kung saan namataan si Jake na halatang nakainom at kinailangan pang alalayan palabas ng ballroom.

Nang mangyari ang komosyon, tiyempong nagsasalita ang kapwa Star Magic artist ni Jake na si Jericho Rosales.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Melba Llanera noong Lunes, October 23, nilinaw ni Jake na walang katotohanan ang espekulasyong nagkaroon sila ng hindi magandang engkuwentro ni Jericho.

“Wala, wala, wala. Pero nag-happen lang sa ganung instance for a while.

“Pero nag-usap kami ni Echo [Jericho’s moniker], walang kaproble-problema.

“It just happened in that instance na nagsasalita siya, dun na yung nag-decide sila [Jake’s road managers] na paakyatin ako.”

Aminado si Jake na lasing na siya nang magpasya ang kanyang dalawang road managers na alalayan siya palabas ng ballroom ng Makati Shangri-La hotel at dalhin sa kanyang kuwarto.

“Definitely I had way too much fun.

“Medyo naparami ako ng inom, so inalalayan ako ng handler ko, ng dalawang road manager ko.

“Medyo nagmukha lang na may commotion, pero in reality I was having way too much fun and they just wanted me to go up and rest na.”

Ayon kay Jake, hindi malayong mapa-trouble siya kung nagtagal pa siya sa ballroom.

“The next day, sabi ko talaga, ‘Thank you because if I stayed longer, maybe [I would have been in trouble].’

“Kasi maaga ako nagsimula, e. Kasi gusto ko lang maaga matapos.

“True enough, nangyari naman.”

REAL SCORE WITH ELLEN. Samantala, usap-usapan din noong gabi ng Star Magic Ball ay namataang magka-holding hands si Jake at former Pasion de Amor co-star niyang si Ellen Adarna.

Ngunit nilinaw ng aktor na walang namamagitan sa kanila ni Ellen.

“Hindi ko ide-deny yung fact na magkaibigan kami ni Ellen talaga…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung meron akong katumbas, kung may babaeng version ko, si Ellen yun.

“Magkasama kami — me, Mark Nicdao and Ellen.

“We are really good friends, so sana huwag na bigyan ng malisya ng tao yun, because there’s nothing [to it].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN