Rochelle Pangilinan too busy to grant fiancé Arthur Solinap's wish for a wedding this year

IMAGE Rochelle Pangilinan Instagram

Rochelle Pangilinan wants to get married, but not according to the timetable of her fiancé Arthur Solinap. "Monday to Friday may taping ako… kahit may organizer, paano pa rin? Mag-aaway lang kami kung ipipilit namin ang two months na preparation," she relates.


“Paano?” ang natatawang reaksiyon ni Rochelle Pangilinan sa kagustuhan ng kanyang fiancé na si Arthur Solinap na makasal sila ngayong 2016.

Saad pa ng Encantadia actress, “Hindi talaga aabot, e, hindi talaga.

“Ako rin naman, sabi ko, ‘Pakasal na tayo… tayong dalawa na lang… para wala nang aasikasuhin.’”

Pero pareho raw silang busy kaya paano raw ito magiging posible.

“Monday to Friday, may taping ako; si Art, ganun din.

“Sunday lang talaga yung pahinga… kahit may organizer, paano pa rin, di ba?”

Kuwento pa ni Rochelle, napag-usapan nila ang mga bagay na ito noong bakasyon nila sa Japan, kasama si Michael V, ang pamilya nito, at ilan pa sa cast ng Pepito Manaloto.

“Noong nasa Japan kami, sabi ko, ‘O, tara na!’

“Pinatulan kami ni Kuya Bitoy [Michael V], sabi niya, 'Puwede akong ninong.'

“Tapos etong mga bata raw, flower girls.

“So, kumpleto na, parang tapos na.

“Pero si Art kasi, ang gusto niya, nasa tamang proseso.

“Gusto niya na sabay naming ma-experience yung preparation.”

Kung ganoon daw, ayon kay Rochelle, nakikita niyang baka late 2017 pa sila puwedeng magpakasal ni Arthur.

“Feeling ko, yung reyalidad lang, mahirap yun.

“Mag-aaway lang kami kung ipipilit namin ang two months na preparation.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rochelle sa binyag at unang kaarawan ng anak ni Angelika dela Cruz na si Baby O2, kunsaan isa siya sa tumayong ninang.

Ayon pa kay Rochelle, kahit engaged na sila ni Arthur ay hindi pa rin nila maiwasan ang ilang problema at pagsubok sa kanilang relasyon.

“Marami, hindi naman nawawala.”

Ibinahagi rin ni Rochelle na sa bridal shower para kay Camille Prats na dinaluhan nila, nabanggit niya kay Arthur ang haharapin nila pagdating ng panahon.

Kuwento niya, “Sabi ko sa kanya, nakakatakot pala ang buhay may asawa.

“Kasi halos lahat ng nag-asawa, sinabi na hindi madali.

“Pero sabi niya sa akin, ‘Basta nandiyan si God, Siya ang center natin.’”

Yun din daw ang paniwala ni Rochelle dahil si Arthur mismo ay malaki raw ang ipinagbago mula nang maging Christian ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN