Mocha Uson agitates for resignation of Leni Robredo from the vice presidency

IMAGE Noel Orsal / Reielle Deslate

Mocha Uson hits Vice President Leni Robredo multiple times, but her angry tirades are not supported by actual facts.


Muling binanatan ng sexy singer-dancer turned blogger na si Mocha Uson si Vice President Leni Robredo.

Ito ay kaugnay ng pagre-resign ni VP Robredo sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, December 4.

Nagbitiw si Robredo bilang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) secretary matapos makatanggap ng text message mula kay Cabinet Secretary Jun Evasco Jr., na nagsasaad na huwag na siyang dumalo sa lahat ng Cabinet meetings simula ngayong araw, December 5.

Sa kanyang Facebook blog kagabi, kinuwestiyon ni Mocha kung talaga bang nagbitiw o pinagbitiw ang pangalawang pangulo sa kanyang katungkulan HUDCC secretary.

“LENI RESIGNED?

“Nagbitiw daw si Leni sa gabinete ni PRRD dahil may banta daw nakawin ang VP post nya. Praning po kayo mam?

“Nagbitiw o pinag bitiw? Abangan natin ang katotohanan.”

Pinatutsadahan pa ng lider ng grupong Mocha Girls na "sagabal sa pagbabago" si Robredo kaya tama lamang daw na magbitiw na ito.

“Basta isang bagay ang sigurado ako, tama po ang mawala kayo sa gabinete ni PRRD para walang sagabal sa pagbabago.”

Maliban dito, pinagbibitiw rin ni Mocha si Robredo bilang vice president ng Pilipinas dahil ito raw ang kagustuhan ng taong-bayan.

“Mam LENI request lang po ng taong bayan pwede magbitiw ka na din sa pagka VP?”

Si Mocha ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"SALAMAT MAM LENI." Sa isa pang post ni Mocha, kinutya pa nito ang bise presidente sa maraming "achievements" nito, kalakip ang collage ng magazine covers ni Robredo.

Ibinahagi rin ni Mocha ang isang news article kung sasan sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tinanggal si VP Robredo sa kanyang posisyon at hindi kusang nagbitiw.

Patutsada pa ni Mocha kay Robredo: "What do you expect? Wala ng ginawa. Nag photoshoot lang sa 5 buwan. Tapos sasama pa sa rally na ang sigaw ay 'oust Duterte.'

"Ano yun??? Mahiya ka naman kung d ka pa mag resign."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naging kontrobersiyal ang photo collage ng magazine covers ni Robredo dahil sinabi ni Mocha na ito raw ay maagang pangangampanya ng bise-presidente para sa 2022 elections.

Ito ay sa kabila nang dalawa lamang sa magazine covers (People Asia at Esquire) ang kinunan matapos siyang ideklarang vice president.

Habang ang apat pang magazine covers ay kinunan noong kongresista pa lamang si VP Leni.

"SIMPLENG TRAYDOR." Sa kanyang post naman ngayong Lunes ng umaga, December 5, muling pinatutsadahan ni Mocha si Vice President Robredo.

Kinuwestiyon ni Mocha ang loyalty ni Robredo sa pangulo dahil sa pagsama nito sa mga protesta laban sa gobyernong Duterte.

Tinawag din ng sexy singer-dancer ang pangalawang pangulo na "simpleng traydor."

"PANAHON NA PARA MANINDIGAN!!!

"Ito na po ang tamang panahon upang hindi manahimik. Natutuwa ako at sa wakas tinanggal na ni P.Duterte ang kalaban ng pagbabago na si LENI sa kanyang gabinete.

"Ang tulad ni Leni ay hindi makakatulong sa Duterte Administration. Saan ka nakakita na ang Kapitan ng barko na sa bawat kabig niya ng pakaliwa may kumakabig pakanan?

"Saan ka nakakita ng piloto sa bawat pag-angat ng eroplano merong pilit nagpapabagsak nito?

"Si Leni ay simpleng traydor sa DUTERTE Administration.

"Tama ba na ang isang miyembro ng gabinete ay dumadalo ng OUST DUTERTE rally? Ang katungkulan niya bilang namumuno sa HUDCC ay alter ego siya ng Pangulo. Sabay kokontrahin niya? Hindi ba kabastusan yan?

"Ngayon na wala na si Leni sa gabinete tayo ring mga supporters ay hindi pwedeng nasa gitna. Parati akong napaparatangan na FANATIC. Sa totoo lang mas gugustuhin ko na ang fanatic kesa sa walang paninindigan.

"Kesa sa mga walang bayag na suporter na konting makabasa lang ng troll sa post niya ay magbabago na. Ang dami kong kilalang ganyan. Noong kampanya ay ang iingay ngayon ay nagbago na.

"Hindi ko alam kung dahil ba sa nabigyan na ng pwesto o sadyang takot lang sa mga troll ng kalaban. Asan ang prinsipyo niyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yan kasi ang kaugalian nating mga Pilipino panahon pa lang ng kastila. Pag sakop ng Kastila at Amerikano iilan lang ang lumaban dito.

"Sa katunayan ang mga naunang pinuno natin ay nakipagkasundo pa sa mga banyagang nanakop sa atin.

"Ganyan tayo ka-traydor sa ating prinsipyo. Kaya gulat na gulat ang sambayanan ng pumasok sa eksena si P. Duterte na may paninindigan.

"Sana tayong mga suporters niya ay ganun din. Fanatic na kung Fanatic ang importante makamtam na natin ang pagbabago.

"Kesa naman dahil lang sa isang issue tulad ng libing ni Marcos sa LNMB ay magabago na ang suporta natin sa ating Pangulo dahil takot ka na tirahin ng mga elitista mong mga kaibigan.

"Mas mahalaga ang bayan kesa sa mga kaibigan mong puro sarili ang iniisip.

"Tandaan natin ito mga kaDDS, walang bayan na magbabago kung walang mga bayaning handang mag buwis ng kanilang buhay para sa bayan."

MOCHA GETS IT WRONG. Kung saan nakuha ni Mocha ang ideya na sumasama si VP Leni sa mga kampanyang "Oust Duterte" ay hindi malinaw.

Sa hinaba-haba at dami nang sinasabi nitong patama sa VP, ang malinaw lamang ay hindi na gusto ng dancer/blogger si Leni sa simula't simula pa lang.

Marahil ay dahil sa hindi ito kapartido ng pangulo. Si Leni ay LP; si Duterte ay PDP-Laban.

O marahil ay dahil naramdaman niyang hindi buo ang pagtanggap kay Leni ni Duterte.

Hindi nga naman isinabay ng Pangulo ang VP sa inauguration rites nito; natagalan bago inimbitahan si VP Leni sa gabinete; at nang lumaon ay pinutulan ng powers ang VP sa pamamagitan nang pagputol ng budget ng hinahawakan nitong ahensiya.

Ngunit ang mas peligroso sa mga sinasabi ni Mocha sa kanyang posts ay ang maling mga datos.

Sa pagkakaalam ng PEP, ang mga kampanyang naringgan ng boses ang Bise Presidente ay ang pagtutol sa paglibing kay dating diktador Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Libingang iyon daw ay para sa mga naging hero ng bansa.

Nagsalita rin siya laban sa extra judicial killings at hiningi ang rule of law at respect sa human rights.

Ibig sabihin: huwag barilin ang walang kalaban-laban.

At nitong huli, naringgan din ng boses si VP Leni nang ang Supreme Court ay nagdesisyong ilibing pa rin ang labi ng diktador sa LNMB.

Ni minsan sa anuman sa mga pagtitipon at kampanyang iyon ay walang sinasabi si VP Leni laban kay Presidente Duterte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN