Kris Aquino asks Maine Mendoza: "You don't feel your happiness is genuine?"

IMAGE Facebook (kris Aquino)

Kris Aquino had a 'heart-to-heart talk' with Maine Mendoza which was posted on the Queen of All Media's Facebook account.


“Genuine happiness.”

Ito ang sagot ni Maine Mendoza nang tanungin ni Kris Aquino kung ano ang isang bagay na gusto niyang hilingin.

Bahagi ito ng first part ng "heart-to-heart interview" ng Queen of All Media sa Kapuso Phenomenal Star, na ipinalabas sa Facebook account ni Kris nitong Linggo, December 18.

Sa isang punto ng interview, usisa ni Kris kay Maine: “If you could ask for one thing, what would it be?”

Sagot ng Eat Bulaga! mainstay: “Siguro, genuine happiness.”

“Ang lalim, ah,” komento ni Kris.

Follow-up question ni Kris: “You don’t feel your happiness is genuine?”

Paglilinaw ni Maine, “Genuine naman po, pero gusto ko po is yung pangmatagalan.

“Basta yun lang po talaga ang pangarap ko sa buhay talaga—maging masaya.”

Pinuri ni Kris si Maine at binigyan pa ito ng payo, na ikinaantig naman ng damdamin ng Kapuso star.

Sabi ni Kris, “You’re really idealistic. Naa-amaze ako.”

Advice pa niya kay Maine, “Don’t put down yourself. Kasi there’s so much in you to be proud of.

“Kasi ako, bilib na bilib sa lahat ng na-achieve mo.”

Sabi pa ni Kris, “It’s just a reminder from someone who’s really seen it all.

“Pero siguro dapat din isipin mo na you owe it to them to be proud of yourself.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN