Ariella Arida advises Maxine Medina to shrug off bashers

IMAGE Instagram (@araarida, @sigulanon)

Ariella Arida (left), has been criticized for her communication skills but she finished 3rd runner-up at the 62nd Miss Universe Pageant. (Right photo, L-R) Maxine Medina, Ariella, Atty Nad Bronce beauty-queen trainer for Q&A, and Miss Global 2015 Ann Colis. 


Bahagi na ng pagsali ng isang kandidata sa isang beauty pageant ang pamba-bash ng netizens sa social media.

Ito ang paniniwala ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida.

“Feeling ko, part na talaga siya [bashing] pag lalaban ka,” paliwanag ni Ariella sa panayam sa kanya sa News To Go ng GMA News TV.

Naging isyu at maraming bumatikos noon kay Ariella na mahina raw sa communication skills bago ipadala sa Moscow, Russia, para sa Miss Universe pageant.

Dugtong ng beauty-queen-turned-TV host, “During my time, bago ako mag-fly to Moscow, I had this one interview na talagang dun din ako na-bash.

"Kumbaga, di ba po, sinabi ko sobrang excited ko? Kumbaga, ayun yung nagpapababa ng loob ko na dinamdam ko.”

Sa kabila nito, naging strong contender si Ariella.

Siya ang nag-iisang Asian na nakapasok sa Top 5 sa 62nd Miss Universe pageant at pumang-apat nga sa nasabing pageant.

Kaya naman pinayuhan daw niya ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 pageant na si Maxine Medina na huwag magpaapekto sa pamba-bash sa kanya.

Pinupuna at binabatikos din ngayon si Maxine dahil sa kanyang lack of communication skills at pagiging mahina umano pagdating sa question-and-answer portion.

Mahalaga ang portion na ito sa prestihiyosong beauty pageant upang masungkit ang korona.

Pahayag ni Ariella, “Sabi ko kay Maxine, kasi normal na yun, e, so buti na lang nakilala ko siya, stronger na siya.

“Kasi nung una po talaga, sobrang nagiging down talaga siya.

"Ako naman, sabi ko, ‘Part na talaga ‘yan, Max, isipin mo na lang ginawa mo yung lahat.’

“Ito kasi yung mahirap, people don’t realize na behind all these things, sobrang hirap ng pinagdadaanan ng isang girl to represent the country.

“Kumbaga, nandiyan na lahat yung pressure, yung pag-iisip mo pa, and all [the] physical, emotional [pressure].

"Sabay-sabay po yun.”

Pakiusap pa ng Wowowin co-host, “Sometimes sana maintindihan po ng tao, especially mga kababayan natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro it’s better na suportahan na lang natin si Max, yun ang makakatulong sa kanya.

"Ako, alam ko, she’s really doing her part."

Isang netizen ang nag-tweet nitong Biyernes, January 13, at nagsabing nagti-trend si Ariella dahil sa paghahambing sa kanila ni Maxine, na ang tinutukoy ay ang kakulangan nila sa communication skills.

Naging positibo naman ang sagot ni Ariella rito: “Ahhh. Miss U fever is on na talaga. Basta tayo support na lang, no matter what! Naniniwala ako, @maxinemedina will deliver!”

JOURNEY TO THE CROWN. Sa kung anong parte ng kumpetisyon ang pinakamahirap, sinabi ni Ariella na kinakailangang magpakitang gilas ang isang kandidata sa swimsuit competition, long-gown competition, at question-and-answer portion.

“I would say na bago ka makarating sa Top Five, which is siyempre nerve-wrecking ‘yan, kailangan malusutan mo ‘yan lahat.

“Before ka makarating sa Top 15, yung prelims pa lang, kailangan mag-stand out ka na.

“Dito, start pa lang, arrival [ng candidates], they are already judging you.

"From the start until sa preliminaries, kailangan maging consistent ka, e.

"Kailangang mag-stand out, ang daming magaganda, lahat sila competitive.

“Mahirap talaga siya.

"Ito lang ang masasabi ko, kasama na ang Binibining [Pilipinas], training ko siguro two years.

“But when it comes to Top Five, ikaw na lang mag-isa sa stage, lahat ng tao nakatingin sa 'yo.

"Lahat ina-anticipate nila kung ano ang sasabihin mo.

“And the moment na magsalita ka, parang nakakatakot, nakikinig talaga lahat sila.

"Kung ano pumasok sa isip mo, yun ang isasagot mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN