Ara Mina no show at Pinulot Ka Lang Sa Lupa presscon

IMAGE Arniel Serato

Hindi sumipot si Ara Mina sa presscon ng upcoming drama series ng GMA Network na Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Ito ay matapos siyang magbantang magre-resign sa programa dahil sa maling pagtrato diumano sa kanya ng produksiyon. Sa kabila nito, kasama pa rin si Ara sa trailer at publicity ng programa.


Ang pagdalo ni Ara Mina sa grand presscon ng TV adaptation ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa ngayong Lunes ng gabi, January 16, ang inabangan ng entertainment press.

Gusto nilang makuha nang personal ang panig ng aktres tungkol sa controversial rant nito sa Instagram, kaugnay ng plano niyang iwanan ang programa dahil umano sa trato sa kanya.

Nabigo ang mga reporter dahil walang Ara Mina na sumipot sa press launch ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Kaya ang mga executive ng GMA Network Inc. ang tinanong tungkol sa status ng aktres, na gumaganap bilang nanay ni LJ Reyes, sa afternoon drama ng Kapuso network na magsisimula sa January 30.

Ayon sa VP for Drama Productions na si Redgie Magno, "Hindi pa tapos yung usapan, so yun, tinatapos lang yung usapan."

Binura na ni Ara ang naturang Instagram post.

Pahayag naman ni Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Rasonable, "So, whatever that is, should be between production and the artist.

"Let's wait na lang for it to be resolved. We will try to resolve it."

Taliwas sa mga naglalabasang balita, kasama si Ara sa trailer ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa at sa publicity materials ng upcoming drama series ng GMA Network, na ipapalit sa timeslot na mababakante ng Sa Piling ni Nanay.


Stories We Are Tracking

Ara Mina quits GMA's <em>Pinulot Ka Lang Sa Lupa</em>
Ara Mina quits GMA's Pinulot Ka Lang Sa Lupa
Ara Mina to resume work in <em>Pinulot Ka Lang Sa Lupa</em>?
Ara Mina to resume work in Pinulot Ka Lang Sa Lupa?
Ara Mina confirms return to <em>Pinulot Ka Lang Sa Lupa</em>
Ara Mina confirms return to Pinulot Ka Lang Sa Lupa


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN