Maxine Medina apologizes for terno boo-boo

IMAGE Mark Sullivan/Miss Universe Organization via WME IMG Collection

Maxine Medina apologized for her statement that former First Lady Imelda Marcos invented the terno. Maxine clarified that she meant "popularized," not invented.


Humingi ng paumanhin si Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina sa kanyang pagkakamali nang sabihin niyang si dating First Lady Imelda Marcos ang nag-imbento ng terno.

Ang terno ang makalumang kasuotan ng mga kababaihan.

Sinabi ito ni Maxine sa audio-visual presentation niya na ipinalabas sa preliminary competition ng Miss Universe 2016 pageant, sa Mall of Asia Arena, Huwebes ng gabi, January 26.

Kuha ang nasabing video sa ginanap na event sa Vigan, Ilocos Sur, noong January 15, kung saan isinuot ng ilang Miss Universe candidates ang mga ternong gawa ng Filipino designers.

Sa video, sinabi ni Maxine na si Imelda ang nag-imbento ng terno, dahilan upang mag-react ang maraming netizens at batikusin siya.

Binawi naman ito ni Maxine at itinama ang kanyang pagkakamali.

“Miss Imelda Marcos popularized, just popularized the butterfly sleeves—not invent!

"So sorry for that," sabi ng Pinay beauty queen sa interview ng Balitanghali ng GMA News TV ngayong araw, January 27.

PIA DEFENDS MAXINE. Ipinagtanggol naman ni outgoing Miss Universe Pia Wurtzbach si Maxine laban sa mga batikos na natatanggap nito.

Sa hiwalay na interview kagabi, sinabi ni Pia na hindi sinasadya ni Maxine ang pagkakamaling iyon.

Saad niya, “It’s a mistake. It wasn’t done intentionally.

"She honestly did not know.

"And are we really going to put our girl down because of a statement like that?

"Now we know. If it wasn’t pointed out, it wouldn’t have been corrected.

"Hindi naman niya alam, e."

Patuloy ni Pia, "We should be celebrating because she’s made it so far already.

"This girl has been training for months and months leading up to the competition.

"What she needs now is encouragement, along with the other candidates. Three days na lang!

"With this matter, with the mistake that she made, its just a mistake. It’s a mistake she did not know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Perhaps next time, she can be a little bit more mindful about the fact that she will share, especially that she is the host delegate.

"But it’s not over yet, we still have the final night."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN