Maja Salvador closes book on past issue with Kim Chiu

IMAGE Beatriz Partosa

Maja Salvador asks bashers not to put malice on her closeness to Kim Chiu: "Ako yung tao na walang ka-bitteran sa buhay. Masasaya na tayong lahat, masaya ako for Kimerald fans dahil balik-tambalan sila."


Para kay Maja Salvador, dapat ay hindi na intrigahin pa ang closeness na nakikita sa kanila ni Kim Chiu tuwing Linggo sa ilang segments ng ASAP XXII.

Ayon kay Maja, tapos na kung anuman ang 'di nila pinagkaintindihan ni Kim at pareho na silang naka-move on ngayon.

Sinabi pa ng aktres na kung may oras siya ay papanoorin niya ang teleserye na pinagbibidahan nina Kim at Gerald Anderson.

Matatandaang nagkaroon ng gap ang dalawang aktres noong 2013.

Confidante at best friend kasi ni Kim si Maja noong nobyo pa nito si Gerald, na naging nobyo rin ni Maja noong taong iyon.

April 2014 nang nagkabati sina Kim at Maja.

“Kung nasa bahay ako at wala akong ginagawa, manonood ako," ayon pa kay Maja.

“Ako yung tao na walang ka-bitteran sa buhay.

“Masasaya na tayong lahat, masaya ako for Kimerald fans dahil balik-tambalan sila.

“Masaya ako for Kim and Gerald dahil may new project sila.

“Yun ang maganda, dahil may trabaho kaming lahat,” saad niya.

Nang tanungin namin si Maja kung bukas ba siyang makipagtrabahong muli kay Gerald, hindi raw sarado ang pinto ng aktres sa ideya.

“Yes naman, basta maganda talaga yung istorya,” sabi niya.

Na-interview ng Pep.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Maja sa nakaraang presscon ng WildFlower nung Miyerkules, February 8, sa 9501 reso ng ABS CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN