Beauty Gonzalez is engaged to non-showbiz boyfriend Norman Crisologo

IMAGE Courtesy of @maria.elena.adarna and @nivien on Instagram

Kapamilya actress Beauty Gonzalez is now engaged to non-showbiz partner Norman Crisologo.


Engaged na ang ABS-CBN actress na si Beauty Gonzalez sa boyfriend nitong si Norman Crisologo.

Ibinahagi ng matalik na kaibigan ng couple na si Ellen Adarna ang balita sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong Miyerules ng gabi, March 1.

Ang caption ni Ellen: "The Proposal @beauty_gonzalez #anotheronebitesthedust Beauty Crisologo ahahahaha"

Sa ibinahagi niyang larawani, makikitang mangiyak-ngiyak na nasorpresa si Beauty sa proposal ng boyfriend.

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

A post shared by Nivien Soledad (@nivien) on

Base sa mga sumunod na post ni Ellen, ginanap ang engagement ng dalawa habang nagbabakasyon sa Sitio Remedios, isang seaside resort na matatagpuan sa Currimao, Ilocos Norte.

A post shared by Vito Selma (@vitoselma) on

Tatlong taon na ang relasyon nina Beauty at Norman.

Una itong kinumpirma ni Beauty sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 2014.

February 2016 naman nang isilang ni Beauty ang kanilang anak na si Olivia Ines.

Sa first birthday party ng kanilang baby noong February 5, sinabi ni Beauty sa PEP na napag-uusapan na nila ni Norman ang kasal.

"Pero siyempre, step by step muna, kasi kapapanganak ko lang last year.

"Tapos ngayon nga, birthday ni Olivia, tapos nito, babalik ako sa work.

"Yung marriage kasi parang kailangan ng mahabang time para pag-usapan, hindi naman puwedeng kinabukasan ay papakasal na kami, di ba?

"So step by step, napapag-usapan namin, and I’m happy na napapag-usapan namin itong dalawa."


Stories We Are Tracking

You'll be surprised about first words of Beauty's baby
You'll be surprised about first words of Beauty's baby
How Beauty Gonzalez got crazy flat tummy after giving birth
How Beauty Gonzalez got crazy flat tummy after giving birth

Nitong nakaraang Disyembre, ibinahagi naman ni Beauty sa kanyang panayam sa Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay ang istorya sa likod ng singsing na ibinigay sa kanya ni Norman.

Isa raw itong promise ring.

Kuwento ni Beauty, "When I was pregnant, he gave me a ring. It has two stones because it's me and my daughter.

"When I got pregnant as a young mom, normal naman na talagang matataranta ka. 'Oh my God, what will I do? Ano ang mangyayari sa akin? Are you going to leave me? Wala na akong work, ganyan-ganyan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya na, 'It's a promise that I will be here for you, I will support you, and I will love you until the day I die.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN