Maine Mendoza joins call for justice for slain fan

IMAGE Noel Orsal

Isang fan ni Maine Mendoza ang pinaslang sa isang resort sa Tanza, Cavite, nitong weekend. . para sa naulila n


Nag-post ng mensahe ng pakikiramay sa Twitter ang phenomenal star na si Maine Mendoza para sa napaslang na diehard fan nila ni Alden Richards na nagngangalang Maria Rachelle 'Raz' Alfaro.

Si Raz, isang registered nurse, ay nagtamo ng 17 saksak sa katawan sa isang resort sa Tanza, Cavite.

Si Raz ay AlDub fan at administrator ng social media accounts ng The MaineGirls Fans Club.

Nag-tweet agad si Maine ng kanyang pasasalamat sa suportang ibinigay ni Raz sa kanila ni Alden noong nabubuhay pa ito.

Kabilang din si Maine sa naglagay ng hashtag na #JusticeForRaz bilang pagpapakita ng suporta sa paghahanap ng hustisya sa malagim na sinapit ng kanyang fan.

Ang suspek sa pagpatay kay Raz ay nagngangalang Shannon James Bon Buckley, dating kinakasama ng kaibigan ng biktima na si Ngar Yee Chan.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang suspek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN