Vice Ganda to citizens who voted for stupid politicians: Blame yourself

IMAGE Noel Orsal

Isang makahulugang mensahe ang ipinost ng Kapamilya star na si Vice Ganda sa kanyang Twitter account tungkol sa mga taong panay ang reklamo sa mga pulitikong palpak.


Tila napapanahon ang tweet ni Vice Ganda ngayong Huwebes, May 4.

Ito ay tungkol sa mga taong sinisisi ang mga pulitiko sa tuwing may nagagawa itong mga kapalpakan.

Paalala ni Vice: "Wag mong sisihin ung politiko dhil istupido sya. Sisihin mo sarili mo dhil binoto mo sya. Nagtrip lng naman syang tumakbo. At naniwala ka."

Dagdag ng tinaguriang Phenomenal Box-Office Star sa isa pa niyang tweet: "Ang saklap na yung mga mahuhusay at matitinong tao di nabigyan ng pagkakataong magkapwesto sa gobyerno. Pero yung mga pulpol namamayagpag."

Walang binanggit na pangalan si Vice sa kanyang mensahe, ngunit marami sa Twitter followers niya ang sumang-ayon dito.

Hindi malinaw kung may pinatatamaan nga si Vice sa kanyang tweet dahil napakalawak ng mensahe niya, at maaari itong tumukoy sa sinumang pulitiko.

May ilan namang ipinagpalagay na ang pinatatamaan dito ng It's Showtime host ay si Senator Tito Sotto.

Si Sotto ay isa sa mga host ng katapat na programa ng It's Showtime, ang Eat Bulaga.

Sentro ngayon ng kontrobersiya si Sotto dahil sa ginawa nitong pagbibiro kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa isinagawang pagdinig ng Commission of Appointments (CA) sa Senado kahapon, May 3.

Ayon sa senador, ang salitang kalye sa mga single mother na kagaya ni Taguiwalo ay "na-ano lang."

Ngunit pagkatapos nito ay nagpahayag si Sotto ng kanyang suporta sa appointment ni Taguiwalo bilang DSWD secretary.

Isa si Vice sa mga artistang nag-react o nag-post ng mensahe sa social media tungkol sa "na-ano lang" na biro ni Sotto.

Sabi ng Kapamilya comedian-TV host sa kanyang tweet kahapon:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN