Ronnie Alonte reacts to Loisa Andalio-Sue Ramirez rift

IMAGE Noel Orsal

Ronnie Alonte is now being linked to three young actresses—Loisa Andalio, Sue Ramirez, and Julia Barretto. Who among them is closest to him?


Nag-react si Ronnie Alonte sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Loisa Andalio at Sue Ramirez.

Pahayag niya sa Tonight With Boy Abunda nitong Huwebes, July 5, “Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa.

"Kasi nabalitaan ko lang talaga sa mga faney, e, mga fans.

“So, sabi ko, ‘Ano kaya itong nangyari na ‘to?’”

Inamin nina Loisa at Sue ang pagkakaroon nila ng hidwaan, subalit naayos na raw ito.

Nagsimula ang isyu sa pagitan ng dalawa nang mabalita ang diumano’y pag-a-unfollow ni Loisa kay Sue sa Instagram dahil umano kay Ronnie.

Parehong nali-link ang dalawang young actresses sa binata.

Nang magsama sa isang endorsement sina Sue at Ronnie, nag-trending sila at nabuo ang kanilang love team. 

Nabuo naman ang pagkakaibigan nina Loisa at Ronnie dahil madalas silang magkasama sa It’s Showtime.

Si Ronnie ay miyembro ng all-male group na Hashtags, habang si Loisa naman ay kasama sa grupong GirlTrends.

Madalas maging guests ang dalawang grupo sa ABS-CBN noontime show.


Stories We Are Tracking

Did Loisa Andalio unfollow Sue Ramirez on Instagram?
Did Loisa Andalio unfollow Sue Ramirez on Instagram?
Loisa Andalio denies being jealous of Julia Barretto
Loisa Andalio denies being jealous of Julia Barretto

THREE LADIES AND A GUY. Bukod kina Sue at Loisa, inili-link din si Ronnie kay Julia Barretto, na ka-love team niya sa primetime series ng ABS-CBN na A Love To Last.

Sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda ay sinabi ng young actor na lumalaki rin ang isyu dahil sa fans.

“Kasi nabi-big deal din ng mga fans, e; si Sue, si Loisa, si Julia, may isyu din naman na naging kami.

“Si Sue, porke’t naka-love team ko siya, ‘Ah, sila na, sila na,’ ganyan.

“Si Julia, ‘Ah, sila din, sila din.’

“Si Loisa, parang same lang din.

“Ganun naman ang mga fans, e, bini-big deal lang naman.”

Nilinaw naman ni Ronnie kung ano ang estado ng relasyon nila ni Loisa.

Sabi niya, “Para sa akin, kami ni Loisa, parang mag-best friends na din kami talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi iba ang closeness naming dalawa.

“Sobrang iba kasi ang pagka-close namin ni Loisa talaga.”

Samantala, noong nakaraang taon, sinabi ni Sue sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda na nabuo ang kanilang love team ni Ronnie dahil sa netizens.

Dagdag pa ng dalaga, sinikap daw nila ni Ronnie na mag-establish ng friendship para sa kanilang mga tagasuporta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN