Vice Ganda to fantards: "Ginagawa niyo bobo yung mga artistang iniidolo niyo..."

IMAGE praybeytbenjamin on Instagram

Vice Ganda says celebrities are sinking into depression because of pressure from fans: "Ginagawa niyong preso. Ginagawa niyo pag-aari ninyo. Ginagawa niyo robot, kaya yung mga artista, nawawalan ng buhay."


Vice Ganda surprised his Twitter followers last Saturday, January 20, when he posted a series of tweets about disturbing fan behavior.

His first tweet was addressed to fans "who think they know everything."

The ABS-CBN star wrote: "Some fans really think they know everything. And some even think they own you!"

Some celebrities quickly reacted to this tweet.

Fellow Kapamilya host, Luis Manzano, shared Vice's sentiments: "Because for them if it’s online, it’s automatic truth :)"

Meanwhile, The Voice Philippines coach Lea Salonga reminded Vice that "the relationship between artist and fan is symbiotic."

But Vice's subsequent tweets continued to elaborate on the disturbing way fans harass stars online.

His next tweet read: "Be smart. You should know when you're being a supportive fan or a stupid fantard!"

He pointed out, "Andami ng tao ang nilalamon ng DEPRESSION dahil sa sobrang PRESSURE na dulot ng trabaho at ng mga taong inaakala nilang sumusuporta s knila."

Eventually, Vice decided to speak out his thoughts about "being an entertainer" and his relationship with fans by going on Facebook Live.

FANS VERSUS FANTARDS. Vice began his Facebook Live session by pointing out what, to him, is the difference between fans and fantards.

"Fantard" is a slang term for "stupid fans" who end up giving their fandom a bad name by engaging in senseless fan wars.

Vice remarked, "Maraming tao na kapag nag-react at kapag nagsalita at nagpamalas ng opinyon nila, especially online, akala nila tamang-tama sila at alam na alam na nila lahat.

"Ang dali-dali nila maniwala at maapektuhan at magbigay ng opinyon nila. Yung opinyon ay hindi masyadong pinag-iisipan kaya lalong lumilikha ng kaguluhan..."

Vice told his fans, who he calls "Little Ponies," that he remains "grateful" for their unwavering support.

"Ang laki-laki ng naitulong niyo sa akin at ang laki-laki ng pagmamahal na pinaparamdam ninyo sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Damang-dama ko yun.

"Nararamdaman ko at ipinagsasalamat ko at masayang-masaya ako na dinadama yung pagmamahal ninyo.

"Sa aking mga Little Ponies… Kahit miyembro ka ng kahit anong fans club ko: Vice Ganda Party Club, Vice Ganda Fever, Vicerylle babies…Basta supporter ko, Little Ponies ang tawag ko diyan.

"Masarap kayo magmahal," he announced. 

But Vice vented his frustrations with fans going overboard with their misplaced loyalty.

"Masarap magmahal mga fans ko, pero meron din namang iba na OA din.

"OA din naman talaga," he stresses.

Vice related his on-camera rapport with one of the dancers on It's Showtime as a troubling example of how fans could get possessive over their idols.

"Recently sa Showtime, nagbibiruan kami ni ate gurl, si dancer na ang pangalan niya ay Jackie. Yung ate gurl sa Miss Q & A. 

"Nagbibiruan kami lagi. Binibigyan ko lang siya ng moment. Tinutulungan ko lang si [Jackie] para sumikat, para magka-moment, para makilala, para magkaroon ng raket, ganyan-ganyan.

"Maraming natutuwa. Yung iba nga nakikilig. Naaaliw kami, natatawa kami, pero yun ay biruan lamang."

Even if Vice and Jackie's interactions on the noontime show were intended to be harmless, their on-camera rapport didn't sit well with Vicerylle, the fans of Vice and Karylle's love team, whose knee-jerk reaction was to bash Jackie.

Upset, Vice confronted these fantards.

"May mga fans ako, lalo na yung ibang fans ng Vicerylle, ang nega ng reaction.

"Sa sobrang nega ng reaction ng mga Vicerylle fans, binash nila si Jackie.

"Kung anu-ano sinabi nila kay Jackie. Sinaktan nila yung tao, which is so bad.

"Hindi ko yun nagustuhan…hindi ako masaya sa ginagawa niyo. Hindi ako natuwa sa ginawa ninyo, at hindi ko iyan ine-encourage na gawin ninyo.

"Wala kayong suporta makukuha sa akin.

"Hindi ako natuwa.

"Unang-una, mali mang-bash.

"Pangalawa, hindi porke't hindi niyo nagugustuhan ay kailangan saktan niyo na ang damdamin ng tao dahil unang-una, wala siyang ginawa sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala siyang ginawa sa inyo at kung ayaw niyo, huwag niyo panoorin.

"Kung ayaw niyo, ipikit ang mga mata.

"Hindi ko naman kayo kailan man pinipilit, yung mga fans ko, mga supporters ko. Hindi ko kayo kailan man pinipilit gumawa ng isang bagay na labag sa inyong kalooban.

"Wala tayong pilitan…

"Kung fans kayo ni Karylle at hindi kayo fans ni [Jackie] at hindi niyo gusto ang ginagawa, ang nangyayari, huwag niyo na lang panoorin para hindi masaktan ang iyong mga damdamin.

"Kasi hindi naman namin ihihinto yun, yung ginagawa namin, kasi nag-eenjoy kami. Sa Showtime, nag-e-enjoy kami.

"Ginagawa namin yun dahil nag-e-enjoy kami at alam namin na marami rin ang nag-e-enjoy.

"Hindi namin ihihinto yung gusto namin gawin dahil lang may ilang-ilang na ayaw. Alam mo yun? Mali kasi.

"Kung maka-demand, kung maka-pressure, kung makapagsalita din kapag hindi nila pabor sa kanila yung mga nangyayari.

"Kung makapag-utos, masyado rin magaling.

"E, hindi ko rin masyado nagugustuhan yun…

"Unang-una, lagi ko sinasabi sa inyo, you don't have to bash other people just to show your support sa akin.

"You don't have to hate other people just to prove that you love me or you don't have to hate other people just to prove that you love that person.

"You don't have to do that.

"That is so stupid.

"I do not condone that. I do not support that. I don't like that."


Stories We Are Tracking

James Reid pokes fun at
James Reid pokes fun at "haters" in latest Instagram feed
Maine Mendoza:
Maine Mendoza: "I deserve all the hate in the world."
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans

CELEBRITIES SINKING INTO DEPRESSION. Vice also opened up about the immense pressure being felt by celebrities nowadays.

Because of social media, pleasing their fans has become a tall order.

If fans become unhappy because of what a celebrity said or did, they would bombard him/her with nasty posts on social media.

And if they're blocked, some of these fans go as far as bugging the loved ones of these celebrities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The Kapamilya host/actor said he has witnessed some stars, especially those still new in the industry, sink into depression because of this trend.

"Concerned din ako sa fans ng ibang artista at sa mga kapwa kong artista, especially dun sa mga malalapit sa akin.

"Alam mo ba lately, nalulungkot ako kasi ang dami kong artista nakakausap na malungkot?

"Ang dami kong artista na nakakausap na gusto na mag-quit sa showbiz, ang dami kong artista nakakausap ko na naliligaw ng landas, ang dami kong artista nakakausap na nade-depress.

"Nade-depress sila, una, kasi pagod na pagod na sila sa hirap ng trabaho ginagawa nila.

"At pangalawa, ang pinaka-ikinapapagod pa nila, yung pressure na ibinibigay sa kanila ng mga taong sinasabing 'fans' nila.

"Ang dami kong nakakausap at naaawa ako sa kanila kasi naguguluhan sila.

"Bigat na bigat ang mga kalooban nila. Sobra," he lamented.

Vice then said, "Alam niyo ba napakaseryoso ng depression? Ang hirap-hirap ma-depress.

"Ang hirap-hirap umuwi sa bahay nang pagod na pagod ka sa trabaho, 'tapos imbes na matulog ka na lang at magpahinga, bago ka matulog, nararamdaman mo pa yung depression at wala ka magawa kundi maramdaman lang ito.

"'Tapos naguguluhan [ang mga artista] kung masaya pa ba sila sa ginagawa nila o hindi na?

"Worth pa ba yung kinikita nilang malaki o hindi na?

"Mahal pa ba sila ng mga fans nila o hindi na? Nade-depress sila.

"At yung iba, sa sobrang depression, hindi na nila naha-handle, namamali na sila ng desisyon.

"Nagdodroga, sumasama sa mga maling tao. Hindi na lang pumupunta sa mga commitments, hindi na natatapos yung trabaho, hindi na nagagawa yung trabaho…

"At yung pinakamasakit, yung iba nagpapakamatay.

"Hindi niyo naman siguro gugustuhin na yung iniidolo niyo ay nagpakamatay dahil hindi kinaya yung pressure na ibinigay ninyo sa kanya.

"Alam mo, yung saktan kami ng mga bashers, parang mas katanggap-tanggap yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung masaktan ka nung tao na inakala mo supporter mo, parang ang labo kasi supporter ka nga, di ba? Lover ka, di ba?"

CELEBRITIES WANTING TO QUIT SHOWBIZ. Some fans, according to Vice, have become so demanding, and the stars can barely move because of these demands.

"Halos hindi na sila makagalaw sa paraang gusto nila igalaw at gawin yung mga bagay na gusto nila gawin kasi dinidiktahan niyo sila.

"Halos utusan niyo na sila kung anong gusto niyo gawin lang nila at nililimitahan niyo lang sila kung ano lang ang gusto niyo makitang ginagawa nila.

"Ginagawa niyo bobo yung mga artistang iniidolo niyo. Ginagawa niyong preso. Ginagawa niyo pag-aari ninyo.

"Ginagawa niyo robot, kaya yung mga artista nawawala ng buhay.

"Kawawa naman. Nalulungkot sila."

Without mentioning names, Vice admitted that a successful love team has already thought of quitting showbiz because they can no longer handle the pressure from their fans.  

He narrated, "Naawa ako kasi nasa peak pa sila ng kanilang career nila, e. Sikat na sikat sila, e.

"Yung love team nila sikat na sikat.

"Taas ng ratings ng teleserye nila, successful ng mga movie nila, ang daming raket, ang daming endorsement, pero malungkot.

"Gusto na mag-quit kasi sobrang nape-pressure sa ginagawa ng mga fans nila.

"Hindi na raw sila makagalaw, hindi na raw sila makalabas.

"Hindi nila masabi yung gusto nila sabihin, hindi nila maging kaibigan yung gusto nila makaibigan.

"Pinaliit ninyo yung mundo nila. Mali yun.

"Malawak ang mundo. Ang sarap sana kung ma-explore nating lahat, at ang sarap sana kung ma-experience nating lahat.

"Pero maraming fans na pinaliliit yung mundo nung artistang sinasabi nila 'sinusuportahan' nila.  

"Kaya yung artista nagrerebelde—ayaw na mag-showbiz.

"Imbes na makakasama niyo pa sila ng mas matagal, ayaw na nila kasi gusto na lang nila mamuhay nang normal na lang. Yung hindi na sila napapakialaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan may mga kaibigan sila na napuputol yung relationship nila sa mga kaibigan nila dahil pinakikialam ninyo at pinag-aaway niyo sila.

"Pinipilit nila na huwag maapektuhan sa pag-aaway ng dalawang fandoms, pero naaapektuhan kasi sila, e.

"Kaya dapat alam niyo rin kung kailan kayo 'fans' o kailan kayo 'fantards' kasi minsan nagiging toxic na."

Vice clarified that celebrities appreciate the love and support they get from their fans, but there are limits to the demands that come with the love and support.

He reiterated, "Mahal nila kayo at gusto nila yung pagmamahal ninyo at suporta niyo, pero minsan sobra din talaga. Sobra din talaga.

"Naawa talaga ako."

"MAHALAN LANG TAYO." Before ending his Facebook Live session, Vice asked showbiz fans to show their love and support through more honest and unconditional ways.

"Wala dapat pressure. Hindi namin kayo pinipilit na gumawa ng mga bagay na labag sa kalooban ninyo… kaya ganun din, sana huwag niyo rin kami pilitin gumawa ng mga bagay na hindi namin gusto at gawin lang yun dahil gusto niyo.

"Maganda kung yung relasyon natin ay yung patas, di ba? Mahal namin kayo, mahal niyo kami. Sana magsimula at matapos tayo dun.

"Sinusuportahan niyo kami, nagpapasalamat kami. Ayoko maging masyadong makapangyarihan sa inyo na dinidiktahan ko na kayo kung anong dapat ginagawa at ganun kayo sa amin sana.

"Sana huwag niyo isipan na para na kayong Diyos na kayo na ang magdedecide para sa napakarami sa amin kasi nasasaktan din po kami.

"Gusto namin humingi ng paumanhin kung nasasaktan namin kayo at sana huwag niyo rin kami saktan para hindi tayo nagkakasakitan, di ba?

"Support us by showing us your love and we will work very hard to show you that we love and that we appreciate your love…

"Ganun lang naman ka simple, huwag natin gawing kumplikado kasi nahihirapan din po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tulungan natin ang isa't-isa sa simple paraan. Magmahalan lang tayo. Ganun lang tayo."

Watch the full Facebook Live here.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN