Brunei-based businesswoman cries foul over "scammer" accusation of Ynez Veneracion

IMAGE Noel Orsal / Arniel Serato

Brunei-based businesswoman Kathelyn Dupaya (left) on actress Ynez Veneracion (right): "Hindi ako nagmakaawa sa kanya na mag-invest ka sa akin. Siya ang lumapit sa akin."


Pinalagan ng Brunei-based Pinay businesswoman na si Katheyln Dupaya ang alegasyon ng dating sexy star na si Ynez Veneracion na diumano'y na-scam siya nito at iba pang celebrities.

Sa panayam ni Ynez sa artikulong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 10, hindi niya pinangalanan ang taong napaluwalan niya umano ng pera bilang investment.

Pero nabanggit ng aktres ang bansang Brunei kung saan diumano may negosyo ang taong tinutukoy niya.


Stories We Are Tracking

Ynez speaks up about falling victim to investment scam
Ynez speaks up about falling victim to investment scam

Ngayong Biyernes, May 11, nagpaunlak ng eksklusibong panayam sa PEP.ph si Kathelyn sa isang restaurant sa Quezon City.

Dito ay inamin niyang siya ang tinutukoy ni Ynez sa panayam nito.

Ibinigay rin ni Kathelyn ang kanyang panig kaugnay ng mga akusasyon ni Ynez laban sa kanya.

Pahayag ng businesswoman, “Ang sagot ko po diyan, si Ynez, is one year and a half ang transaction namin.

“Kumita siya ng P852,000, naibalik ko ang puhunan niya. Anong sinasabi niyang scam?

“Kung ini-scam ko siya at intensiyon ko na lokohin silang lahat, dun sa mga sinasabi niyang na-scam, nung nag-abot siya ng pera sa akin, wala akong pinirmahan.

“Ni hindi sila nagpapirma sa akin, we are based on trust. Kaya ganun ko din pinag-ingatan ang pera nila.

“Kahit hindi ako nabayaran, because we are dealing with business… hindi utang or whatever, business kami, e."

Patuloy ni Kathelyn, "Ngayon, kahit hindi ko binayaran, inuna ko silang ma-settle.

“Ibinalik ko yung puhunan at ang tubo... kahit hindi buo ang tubo, ang importante, ibinalik ko yung capital at tumubo ka.

“Yun ang pinakamahalaga sa akin, kahit wala pa akong nakukuha sa side ko.

"Sa totoo lang, wala pa akong nakukuha sa halagang 2 percent na 'yan.”

Sa ipinakitang papel ni Kathelyn sa PEP.ph ng diumano'y statement of account ng transaksiyon nila ni Ynez, makikita ritong "October 6, 2016" nagsimula ang kanilang business transaction.

Six percent na tubo mula sa kanilang capital ang ibinibigay raw niya sa mga nag-invest sa kanyang negosyo buwan-buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang P1.2 million naman ay naibigay ni Ynez sa kanya noong July 2017, at ang kulang na lamang niya ay P260,000. Ito ay tubo na lamang daw.


Ayon kay Kathelyn, ang negosyo nila ay pagbebenta ng mga load sa Overseas Filipino Workers (OFW) sa Brunei.

May mga agent daw siya roon na nagbebenta ng mga loadsa OFWs.

Pamilyar na marahil ang pangalang Kathelyn Dupaya dahil sa pagra-rant niya noon laban kay former Miss Universe Pia Wurtzbach.


Stories We Are Tracking

Brunei-based Pinay airs disappointment with Pia Wurtzbach
Brunei-based Pinay airs disappointment with Pia Wurtzbach
Businesswoman apologizes for rants vs. Pia Wurtzbach
Businesswoman apologizes for rants vs. Pia Wurtzbach

“BECAUSE OF FRIENDSHIP…” Sabi pa ni Kathelyn sa panayam niya sa PEP.ph, maganda ang kalakaran ng kanyang negosyo kaya marami sa mga kaibigan niyang celebrities ang naengganyong mag-invest sa kanya.

Lahad niya, “Na-meet ko si Ynez, hindi ko kailangan ng investment or investors or whatever.

“Nag-open ako ng business ko, wala akong partnership, never akong nag-loan.

“But because of friendship, dahil sinabi niya na single mom siya, at ang kanyang asawa... ewan ko, tatay ng anak niya, bihira magbigay ng ano [sustento], at wala siyang project, ‘Ate, kailangan ko ng income.’

“So, nagbigay siya ng P500,000 sa akin, kumikita siya ng P30,000 a month sa akin.

“And after that, dahil nung nagkatampuhan kami… this is the second time na nagkatampuhan kami.

“Then, ibinalik ko yung P500,000 niya. Pero ibinalik niya ulit sa akin yung P500,000, ‘Ate, tanggapin mo ito kasi kailangan ko ng income.’"

Diin ni Kathelyn, “Hindi ako nagmakaawa sa kanya na mag-invest ka sa akin. Siya ang lumapit sa akin.

“Bakit kailangan ko ng investor? Marami akong kaibigan na mayayaman, bakit ko papatulan ang limang daan niya?

“Alam mo ba kung magkano lang ang P500,000 sa Brunei? Eleven thousand lang yun.

“What is P11,000 kung mag-build ka ng business sa Brunei? Sakit lang sa ulo yun.”

Aminado naman si Kathelyn na na-delay siya sa pagbibigay ng tinatawag niyang “profit” sa celebrities para sa kanilang mga investment sa kanyang negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, end of last year, medyo merong problema [sa kumpanya].

"Pero alam nila ang problema dahil sinabi ko sa kanila, kasi we are friends.

“Group of friends talaga kami, close friends.

“So, ang ikinakasama ng loob ko, after all I have done, kumbaga sa 10 fingers ko, siyam ang nagawa kong mabuti, sa delay ng pagkakamali ng isa, do I deserve to be posted in social media na scammer?

“Bakit hindi niya nasabi sa PEP.ph na, ‘Kumita ako ng ganito…’

“Dapat sinabi niya na, ‘Kumita ako ng ganito, pero may kulang…’

“Accepted ko yun, totoo yun. Pero yung sasabihing scam, doon ako nanggagalaiti.

“Ayaw ko yung word kasi hindi ko naman ginawa.

“Ano nang mukha [ihaharap] ng mga anak ko?”

Naapektuhan na raw ang mga anak ni Kathelyn sa pagtawag sa kanyang "scammer."

“PINADAMA?” Nabanggit din ni Ynez sa panayam nito sa PEP.ph na "pa-dama" lang diumano ni Kathelyn ang mga libreng biyahe sa mga artista sa ibang bansa, ngunit kalaunan ay hihingan din niya ito ng pera upang mag-invest sa kanya.

Sagot dito ni Kathelyn, “Gusto kong iki-clear yung pina-dama? Anong pina-dama?

“Dinala ko sina Dianne Medina, sina Ara [Mina] sa San Francisco, sa Europe, lahat, sina Sunshine [Cruz]... anong pina-dama?

“Hindi pa sila nag-i-invest sa akin, nandun na kami lahat. Anong pina-dama?

“Businesswoman ako. Sa halagang P500,000, dadalhin kita sa lahat [ng bansa nang libre] para lamang mag-invest ka sa sa 'kin?

“Anong mapapala ko dun sa P500,000 na yun, 'tapos two percent lang [ang tubo].

“Ganun lang ako mapagmahal sa kaibigan.”

Ngayon lang ba siya naka-encounter ng nag-invest sa kanya na nagreklamo?

Pag-amin ni Kathelyn, “Actually, meron din akong atraso sa iba, pero naunawaan ako, naunawaan ako.

“Meron kaming problema sa company. Di naman talaga atraso kundi kakulangan ko lang.

“Delayed, pero nagbabayad."

Diin niya, "Pero hindi ako manlolokong tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw niya inaasahang si Ynez pa ang magda-drag down ng pangalan niya sa sa publiko.

Hindi rin daw niya tinatakbuhan ang kulang niyang P260,000 kay Ynez. 

Saad ni Kathelyn, “Actually nag-transfer fund ako sa kanya.

"Hindi pa pumasok sa account niya kasi hindi pa pumapasok sa account ko ang mga remittance [from Brunei].

“Sabi ko, 'Hintayin mo lang mag-clear [yung mga tseke].'"

“MAKAKABANGON AKO.” Ayon kay Kathelyn, naniniwala siyang malalampasan niya ang mga pagsubok na kinakaharap ngayon pagdating sa kanyang negosyo.

“I believe in God, makakabangon ako,” pakli niya.

Iginiit din niyang malinis ang kanyang konsensiya sa mga sinabi ni Ynez sa interview.

Aniya, “Gusto ko lang i-clear ang pangalan ko.”

Mensahe naman ni Kathelyn kay Ynez, “Para sa 'yo, Ynez, sa susunod, [kung] magkaroon ka ng kaibigan, huwag mo ilaglag.

"Kasi minsan ka lang makakuha ng kaibigan na totoong-totoo na hindi mababayaran at hindi nasusukat ng pera. Yun lang.”

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Ynez at iba pang pangalang nabanggit sa artikulong ito.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN