Joy Belmote apologizes to Kris Aquino; swears she had nothing to do with headline that offended Kris

Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte (left) apologized to Kris Aquino (right) after the latter got offended by a headline of a tabloid owned by the vice mayor's family.


Nag-sorry si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte via Facebook matapos makarating sa kanya ang tweet ni Kris Aquino na diumano'y patama sa bise alkalde.

Hindi kasi nagustuhan ni Kris ang headline ng tabloid na Pilipino Star Ngayon (PSN) kahapon, Biyernes, August 10.

Ayon sa headline: “Kris nilaglag sa pictorial sa leading newspapers at website ng US!”

Kaugnay ito ng pagdalo ni Kris sa world premiere ng Hollywood movie na Crazy Rich Asians, kung saan may partisipasyon ang actress-TV host.

Kalakip ng tweet ni Kris ang link sa artikulo na isinulat ni Lolit Solis.

Ang editor naman ng entertainment section ng PSN ay si Salve Asis.

Sa tweet ni Kris, halatang hindi niya nagustuhan ang tweet.

Ani Kris, “Fyi po sa pamilyang nagpapatakbo ng @pilstarngayon no need akong i-down. Kakapirma today ng 2 year contract w/ P&G-may no political participation clause. So safe na safe ang QC. P.S. Next time a little more subtlety-halata tuloy na insecure.”

Base sa Facebook status ni Joy, inisip niyang siya ang pinaparinggan ni Kris.

Ang pamilya ni Joy ang may-ari ng broadsheet na Philippine Star at Pilipino Star Ngayon, base na rin sa tweet ni Kris.

Base sa status ng Quezon City vice mayor ngayong gabi ng Sabado, August 11, humihingi siya ng sorry kay Kris kung sa tingin ng TV host-actress ay may kinalaman si Joy sa headline ng artikulo.

"I apologise profusely to Kris for whatever it is that offended her. Am still trying to find the article she is referring to because I haven’t read it, and I’m sorry too that she thinks I have something to do with it, or that whatever squabble she may have with the reporter that wrote the offending article has something to do with me.

“For the record, I do not know what she is talking about but I apologise for any offence taken by her,” ani Joy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki rin daw ang pasasalamat ni Joy kay Kris na inendorso siya sa isang video ilang buwan ang nakalilipas.

Binanggit din ng bise alkalde na ang kanyang namayapang inang si Betty Go-Belmonte at ang ina ni Kris na si dating Pangulong Corazon Aquino ay matalik na magkaibigan.



ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN