Kris Aquino posts cryptic messages about not allowing herself to be anybody's victim

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino: "In no uncertain terms will I ever allow anybody to make me their victim."


Hindi raw hahayaan ni Kris Aquino ang sinuman na gawin siyang biktima.

Ito ang mensaheng ipinarating ng TV host-actress sa kanyang makahulugang Twitter posts noong Sabado, August 11.

Sa kanyang unang tweet, sinabi ni Kris na hindi siya pinalaking maging masama, “BUT I do recognize it… I will stand firmly- in no uncertain terms will I ever allow anybody to make me their victim.”

Kalakip nito ang isang quote mula sa American poet na si Maya Angelou: “A wise woman wishes to be no one’s enemy; A wise woman refuses to be anyone’s victim.”

Sa sumunod niyang tweet, sinabi ng 47-year-old celebrity, “I succeeded when others wrote me off because while resurrecting from the ashes of the past- i didn’t need to step on others, i merely taught myself to soar.”

Hindi tinukoy ni Kris kung para kanino o ano ang pinanggagalingan ng kanyang mga tweet.

Pero ginawa niya ito isang araw pagkatapos ihayag  ni Kris ang pagkadismaya sa headline ng isang artikulo ng Pilipino Star Ngayon tungkol sa kanyang pagdalo sa world premiere ng Hollywood movie na Crazy Rich Asians.

Ang Philippine Star at Pilipino Star Ngayon ay pag-aari ng pamilya Belmonte.

May patutsada pa si Kris sa tweet na tila may kinalaman sa pulitika: “So safe na safe ang QC. P.S. Next time a little more subtlety-halata tuloy na insecure.”

Ilang oras ang nakalipas, nag-react si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte via Facebook.

Sinabi ng bise alkalde na tila siya ang pinatutungkulan ni Kris.

Kasunod nito ang paghingi niya ng paumanhin at paninigurong wala siyang kinalaman sa ginawang headline ng tabloid.

Samantala, burado na ang tweet ni Kris tungkol sa hindi nagustuhang headline ng tabloid.


Stories We Are Tracking

Joy Belmote apologizes to Kris Aquino
Joy Belmote apologizes to Kris Aquino


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN