Is Xian Lim not allowed to appear on ABS-CBN shows?

IMAGE Noel Orsal

"I also have the same question... good vibes na lang po palagi," Xian Lim tweets after not being seen in the promo rounds for the movie Miss Granny in ABS-CBN yesterday, August 15.


Ilang fans ang nagtataka kung bakit hindi kasama si Xian Lim sa ginawang promo tour para sa Miss Granny sa ilang ABS-CBN shows kahapon, August 15.

Tanging sina Sarah Geronimo at James Reid lamang ang nasa It's Showtime kahapon.

Nagkaroon din sila ng taping para sa Gandang Gabi Vice, ngunit kapansin-pansing wala rito si Xian.

Samantala, tila wala ring ideya si Xian kung bakit hindi siya nakasama sa naturang promotional guest appearances para sa pelikulang Miss Granny.

Sa kanyang Twitter account kagabi, sinabi ni Xian, “I also have the same question...good vibes nalang po palagi.”

Isang fan ang naghayag ng kanyang saloobin tungkol sa pagiging absent ni Xian at ni Nova Villa sa promo tours para sa Pinoy adaptation ng Korean movie na Miss Granny, na magsisimulang ipalabas sa mga sinehan sa Miyerkules, August 22.

Sagot ni Xian, “I would be more than happy to promote. I’m just waiting for an advise.

"Maybe the shows do not approve. I really don’t know."

Isa ring fan ang nagsabing gusto niyang makita sa promo rounds si Xian.

Pabirong sagot naman ni Xian, “I want to see me too. I really don’t know what the problem is...”

Maliban sa dalawang shows na nabanggit, kasama naman si Xian sa pagpo-promote ng Miss Granny sa ASAP noong nakaraang Linggo, August 12.

Sa kabila ng hindi niya pagkakasama sa ilang promo rounds sa ABS-CBN, aktibo namang bahagi si Xian sa pagpo-promote ng Miss Granny sa mall shows kasama sina Sarah at James nitong mga nakaraang weekend.

Si Xian ay dating Star Magic artist at lumipat sa Viva Artists Agency nitong January 2018.
Ngunit hindi pa malinaw kung iniwanan na rin niya ang ABS-CBN dahil wala siyang regular na programa rito ngayon, at hindi naman siya napapanood sa ibang TV networks.

Stories We Are Tracking

Xian Lim leaves Star Magic and moves to Viva
Xian Lim leaves Star Magic and moves to Viva
Xian Lim to Star Magic:
Xian Lim to Star Magic: "There will never be any goodbyes."


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN