Angelica Panganiban reveals Carlo Aquino broke up with her because of Maja Salvador

IMAGE @iamangelicap, @jose_liwanag, @iammajasalvador on Instagram

Angelica Panganiban reveals that Carlo Aquino once broke up with her so he could start a relationship with Maja Salvador.


Isiniwalat ni Angelica Panganiban na naging magkasintahan noon sina Carlo Aquino at Maja Salvador.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit sila nag-break ni Carlo sa pangalawang pagkakataon.

Nagtagal ng anim na taon ang relasyon nina Angelica at Carlo.

Sa panayam ng dalawa sa episode ng Gandang Gabi Vice nitong Linggo, September 23, tinanong ng host na si Vice Ganda kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila: wala nang pag-ibig o may third party?

Tugon ni Angelica, “Enough na siguro yung… pangalawang attempt na kasi yun, e.

"Naghiwalay na kami ng isang beses simula nung umpisa."

Kinumpirma ng aktres na third party ang naging dahilan ng unang breakup nila.

Nagkaroon daw ng ibang girlfriend si Carlo.

Pero nagkabalikan sila at nagtagal sila ng higit sa isang taon.

Gaya ng unang beses, naghiwalay silang muli dahil nagkaroon ulit ng ibang girlfriend si Carlo.

Pilit inalam ni Vice kung sino ang babaeng naging girlfriend ng aktor kung kaya't naghiwalay sila sa pangalawang pagkakataon.

Sinabi ni Angelica na ang babae ay artista, walang umeereng show ngayon, napapanood sa ABS-CBN musical-variety show na ASAP, at nagsisimula sa letter M ang pangalan.

Binanggit ni Vice ang pangalan ni Maja Salvador.

Kinumpirma naman ito ni Angelica.

Per pakli ng aktres, “Pero yun, maayos.”

Maayos daw na nakipaghiwalay sa kanya si Carlo upang maging maayos ang relasyon nito kay Maja.

Sabi ni Angelica tungkol sa unang breakup nila ni Carlo, “Yung una kasi, nalaman ko lang na may ganun pala.

“So siyempre, nakakaloka, ganun, nag-break kami."

Inayos naman daw ni Carlo ang pangalawang hiwalayan nila.

“'Tapos itong yung ano… siguro gusto niyang mag-start talaga nang maayos, di ba?

“Kailangan niyang tapusin nang maayos sa 'kin.

"Inamin naman niya. Hindi siya nagloko.

“Pinutol niya yung sa akin bago siya nagsimula.”

Inusisa ni Vice ni Angelica kung nagkaroon ba sila ng hidwaan ni Maja dahil dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman. Hindi kami nagkaroon ng problema,” sagot niya.

Sa isang punto ay may pakiusap si Angelica sa naging rebelasyon niya tungkol kay Maja.

“Huy, walang pamba-bash, a. Magkaibigan kami niyan.”

Humingi naman ng sorry si Carlo kay Angelica tungkol sa kanilang nakaraan.

Sabi ng aktor, “Sorry. Siguro kasi napagod ka dahil kasalanan ko.

"Inaamin ko naman yun na nagkulang ako, nagkulang ako sa 'yo."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN