Derrick Monasterio admits to dating a beauty queen

IMAGE Noel Orsal / Instagram (Kathleen Paton)

Kapuso actor Derrick Monasterio says he is now dating a beauty queen, Kathleen Paton, a Filipino-British lass, who was crowned Miss Manila 2018 and Miss Teen International 2017.


Inamin ni Derrick Monasterio na isang beauty queen ang idini-date niya ngayon.

“I’m seeing someone,” pag-amin ng 23-year-old Kapuso actor sa pocket press conference ng upcoming Kapuso afternoon teleserye na Dragon Lady nitong February 26, Martes.

Ang beauty queen na idini-date ni Derrick ay kinilalang si Kathleen Joy Paton, 20, isang Filipino-Australian.  

Si Kathleen ay kinoronahang Miss Manila 2018 at Miss Teen International 2017.

Isinilang siya sa Aklan, subalit nanirahan ang kanilang pamilya sa Australia sa loob ng siyam na taon.

January 29 ng kasalukuyang taon, nag-post si Kathleen via Instagram ng larawan nila ni Derrick, na tila kuha sa beach.

Sa caption, inihambing pa ni Kathleen ang katawan ni Derrick sa kanyang favorite fast-food chain brand.

View this post on Instagram

Hey boy, your body reminds me of McDonalds, cause I’m lovin’ it! ???? #lol

A post shared by Kathleen Paton (@kathleen_paton) on

UNDER THE RADAR

Tinanong si Derrick kung bakit hindi siya masyadong vocal pagdating sa babaeng idine-date.

“Ayoko lang siyang agawin ng iba. Madamot ako pagdating sa…. Possessive!” natatawang sagot niya.

Hindi ba nagde-demand ang dalaga na ipakilala siya sa publiko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di pa naman kasi kami. Dating-dating lang,” paglilinaw ng aktor.

"Siyempre, normal lang naman yun para sa single guy na makipag-date, di ba?"

Ipinaliwanag din ni Derrick kung bakit hindi niya masyadong isinasapubliko ang pakikipag-date sa beauty queen.

“Sa totoo lang, yung ratio ng pagbasted at pagsagot sa akin, yung basted, siguro out of 10, anim.

"Mga apat lang yung sumagot sa akin. So, hindi rin talaga madali," saad niya.

Karamihan din daw sa mga naging kasintahan ni Derrick ay non-showbiz.

Rason niya tungkol dito, “Wala pa akong naging girlfriend na showbiz.

"Non-showbiz kasi hindi magulo and hindi lalabas sa balita pag may nangyari, na nag-break or whatever…

“Mahirap kasi sa showbiz. Ayaw nila.

"Yung mga hindi matitinong babae, yung titingnan lang nila hitsura mo, very mababaw.”

Ang mga “matitinong” babae naman daw ay mas pinag-iisipan kung makabubuti ba kung makikipagrelasyon sa kanya.

“Yung matitino, yung pangmatagalan rin, [iniiisip nila] ‘Sasaya ba ako talaga pag dito ako sumama?' May oras ba siya sa akin?’ yung mga ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Derrick, sumusuko rin siya sa panliligaw.

Sumusuko na ba siya sa panliligaw kay Kathleen?

“Hindi pa,” mabilis niyang sagot.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN