Julia, Dani Barretto pay tribute to late grandfather Miguel Barretto

by Arniel C. Serato
Oct 16, 2019
Julia (left) and Dani Barretto (right) post heartfelt messages for their late grandfather, Miguel Barretto.
PHOTO/S: Courtesy: @juliabarretto / @danibarretto on Instagram

Ipinagluluksa ng magkapatid na Julia at Dani Barretto ang pagpanaw ng kanilang lolo na si Miguel Barretto.

Sumakabilang buhay ang Barretto patriarch nitong Martes ng hapon, October 15, pagkatapos ng ilang linggong pagkakaratay sa ospital. Siya ay 82.

Si Julia ay anak ni Marjorie Barretto sa dating asawa nitong si Dennis Padilla, samantalang si Dani ay anak niya sa dating karelasyong si Kier Legaspi.

Si Marjorie ang pang-anim sa pitong anak nina Miguel at Estrella “Inday” Barretto.

Ang iba pang mga kapatid ni Marjorie ay sina Mito, Michelle, Jay-jay, Gia, Gretchen, at Claudine Barretto.

Sa Instagram ngayong Miyerkules ng hapon, October 16, ibinahagi ni Julia ang ilang larawan at video nila ng kanyang Lolo Miguel.

Sa caption ay ibinahagi ng Kapamilya young actress ang sakit na nararamdaman dahil sa pagpanaw ng kanyang lolo.

Madamdaming mensahe ni Julia: “I thought I’ve experienced real pain until yesterday.

“Nothing compares to this.

Continue reading below ↓

“My heart hurts so much 9/29.

“It hurts so much.

“It will never ever be the same without you but I find peace in knowing that you are now free from all the pain and suffering.

“Rest well now, 9/29.

“See you again.”

Ang “9/29” ay ang araw ng kapanganakan ni Miguel.

Continue reading below ↓

Noong nagdiwang ang Barretto patriarch ng kanyang ika-82 kaarawan noong September 29, isinugod ito sa ospital dahil sa biglaang pagsama ng pakiramdam nito.

Hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay.

"AMAZING GRANDFATHER"

Inalala naman ni Dani ang masasayang pinagsamahan nila ng kanyang lolo na tinatawag niyang "Pikey."

Hanga rin daw siya sa kanyang lolo dahil sa pagsisikap nitong magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin at relasyon sa lahat ng kanyang apo.

Nakasaad sa post ni Dani sa Instagram ngayong Miyerkules ng hapon: “I can’t even express how heartbroken I am right now.

"Pikey, all I can say is Thank you and I love you.

"Thank you for loving us the way that you did.

"You were such an amazing grandfather to all of us.

"You made it a point that you had a relationship with all your apos.

"From the eldest to the youngest apo, we will always have the best stories of you.

Continue reading below ↓

"I will never forget that Subic trip we had when I was 4.

"And you made sure everyone didn’t forget it too.

"It was one of your favorite stories to tell to your friends, family and even strangers.

"it breaks my heart that I will never get the chance to do that with you again.

"Nevertheless, you gave us the best memories to remember you by.

"You will always be in my heart, my Pikey. No more pain.

"Go dance your heart out up there and eat all the vanilla ice cream and chocolate chip pancakes in the world!

"I love you so much, My Pikey!

"I’ll always be your Bratinela."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia (left) and Dani Barretto (right) post heartfelt messages for their late grandfather, Miguel Barretto.
PHOTO/S: Courtesy: @juliabarretto / @danibarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results