Krista Ranillo's wedding was strictly an "intimate affair"

by Bong Godinez
Aug 10, 2010
Krista Ranillo and her businessman boyfriend Jefferson Niño Lim tied the knot in a Jewish-style wedding ceremony last August 8 at the Hotel Maya in Long Beach, California, U.S.A.

Naging very private ang Jewish wedding ceremony ng aktres na si Krista Ranillo at ng supermarket CEO na si Jefferson Niño Lim. Ikinasal ang dalawa noong August 8, Linggo, sa Hotel Maya na matatagpuan sa Long Beach, California U.S.A.

Ayon sa ulat ng GMA-7 News na lumabas kahapon, August 9, mga kaanak at malalapit na kaibigan lamang ng dalawa ang dumalo sa espesyal na okasyon. Ang ama ni Krista, ang beteranong aktor na si Matt Ranillo III, ang naghatid sa kanya sa altar.

Sinabi naman sa report ng ABS-CBN na naging mahigpit ang seguridad sa kasalan dahil walang media representative ang pinayagang mag-cover ng nasabing event. Pinagbawalan din daw ang magkabilang pamilya at iba pang invited guests na magbigay ng pahayag tungkol sa seremonya.

Nagbigay naman ng pahayag ang mag-asawa, sa pamamagitan ng isang spokesperson, na maglalabas sila ng ilang wedding pictures at videos sa tamang panahon. Sa ngayon daw kasi ay nais muna nina Krista at Jeff (palayaw ni Jefferson) na magkaroon ng privacy para na rin sa kapakanan ng kanilang mga pamilya.

Continue reading below ↓

ENDING CONTROVERSY. Bago magpakasal kay Jeff ay una munang na-link si Krista kay world boxing champion at ngayo'y Sarangani Congressman Manny Pacquiao.

Nagsimula ang intriga matapos nilang gawin ang pelikulang Wapakman,na naging entry ng Solar Films noong 2009 Metro Manila Film Festival.

Bagama't parehong itinanggi ng dalawang kampo na may namamagitan sa kanila ay nagpasya na rin ang 24-year-old actress na lumipad patungong Estados Unidos para makaiwas na rin sa media.

Naging negatibo kasi ang epekto ng isyu sa image ni Krista dahil kilala ng buong publiko ang tanyag na boksingero bilang isang pamilyadong tao.

Itong Hunyo lamang ay inanunsiyo ni Krista sa pamamagitan ng beteranong kolumnista na si Ricky Lo na engaged na siya sa kanyang California-based boyfriend at may plano na silang magpakasal sa sususod na taon. Idinagdag din ni Lo na "rich and elegible bachelor" ang kasalukuyang nagpapatibok sa puso ng dalagang aktres bagama't hindi ito pinangalanan sa artikulo.

Continue reading below ↓

Ang kasintahan na tinutukoy ni Krista ay walang iba nga kundi si Jeff. Kilala ang pamilya ni Jeff sa California dahil sa negosyo nilang chain of supermarkets. Sa ngayon ay tumatayo bilang CEO (Chief Executive Officer) ng Island Pacific Supermarket si Jeff.

Bago ikinasal si Jeff kay Krista ay naging girlfriend din nito ang dating PBA announcer na si Janelle So.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krista Ranillo and her businessman boyfriend Jefferson Niño Lim tied the knot in a Jewish-style wedding ceremony last August 8 at the Hotel Maya in Long Beach, California, U.S.A.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results