John Lloyd Cruz still negotiating with ABS-CBN for his new contract

by Rose Garcia
Oct 28, 2014
Ipinaliwanag ni John Lloyd Cruz kung bakit hindi pa sinisimulan ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN. Saad ng aktor, "October kasi, mag-e-expire yung contract ko. Hindi ko siya magagawa while I’m negotiating my contract with ABS-CBN. Siyempre, mahirap yun, kasi hindi pa kayo nagkakasundo, may ginagawa ka na."

Ipinaliwanag ng Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz ang isyu kaugnay ng hindi pagkakatuloy ng teleseryeng pagsasamahan sana nila nina Maja Salvador at Jericho Rosales.

Ayon sa reports, iba’t ibang dahilan ang lumalabas.

Nandiyang mas pinili raw ni John Lloyd ang sitcom niyang Home Sweetie Home. Mayroon din namang nagsasabi na kesyo hindi raw nagustuhan ng aktor ang karakter na gagampanan niya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd sa taping ng Home Sweetie Home, sa ABS-CBN studio, noong October 24, ay tinanong namin siya tungkol sa hindi pagkakatuloy ng susunod sana niyang teleserye.

Saad ng Box-Office King, “Yung teleserye, itong Bridges, mag-i-start siya ng October.

“October kasi, mag-e-expire yung contract ko.

“Hindi ko siya magagawa while I’m negotiating my contract with ABS-CBN.

“Siyempre, mahirap yun, kasi hindi pa kayo nagkakasundo, may ginagawa ka na.

“Paano kung hindi magkasundo, e, di lalong nabitin ang project?

“Kaya ngayon, yung mga lumalabas na tinanggihan ko, hindi yun totoo.

Continue reading below ↓

“Actually, ang sagot diyan, puwedeng tanungin ang producer kung ano ang nangyari. Kasi, alam naman nila.

“Kasi, alam naman ng both parties kung ano ang nangyari.”

Hangga’t maaari, ayaw rin namang i-entertain ni John Lloyd ang ideya na posible siyang lumipat ng network.

Tahasan naman din niyang sinasabi na gusto niyang manatili sa Kapamilya network.

Nagkataon lang daw na bilang aktor o empleyado ng kumpanya, mas gusto niyang maiayos muna lahat bago siya magsimula ng panibagong trabaho.”

HOME SWEETIE HOME. Masayang-masaya naman daw si John Lloyd sa sitcom nila ni Toni Gonzaga, ang Home Sweetie Home.

Kung noong una ay aminado si Toni na naiilang siya sa mga “sweet moments” nila ni John Lloyd bilang mag-asawa sa sitcom, ngayon ba ay nakikitaan pa rin niya ng pagkailang ang kapareha?

Ayon kay John Lloyd, “Nagkailangan lang naman kami noong mga first few episodes namin.

“Siyempre, mag-asawa ang pinu-portray namin.

“Alam niyo naman, iba rin ang upbringing niya and, I think, si Toni, nanggagaling lang din sa… too much kasi ang ibinibigay.

Continue reading below ↓

“Siya yun, yung persona niya ang ibinibigay niya.

“Kaya siguro noong una, nahihirapan siya o naiilang siya, kasi hindi naman niya naiisip na yung character yung ginagawa niya.

“Pero ngayon, mas relax na.”

Sinabi rin ni John Lloyd na sobrang saya niya sa Home Sweetie Home, at kaya niyang gawin ito kahit wala pang bayad.

“Hindi na siya trabaho sa akin.

“I’d like to believe na pamilya na rin kami kahit sa loob ng isang taon pa lang.

“Yun pala ang isa sa pinakamagandang bagay na puwede mong ma-discover sa isang trabaho.

“Yung hindi na siya trabaho sa ‘yo,” sabi niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaliwanag ni John Lloyd Cruz kung bakit hindi pa sinisimulan ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN. Saad ng aktor, "October kasi, mag-e-expire yung contract ko. Hindi ko siya magagawa while I’m negotiating my contract with ABS-CBN. Siyempre, mahirap yun, kasi hindi pa kayo nagkakasundo, may ginagawa ka na."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results