PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mario O'Hara will helm another historical film titled Bidasari

The filmmaker will depict the wars fought in pre-colonial Philippines.
by William R. Reyes
Published Aug 2, 2010
After helming Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, Mario O'Hara will direct another historical film titled Bidasari. It will depict the wars fought in pre-colonial Philippines.

Ang 6th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay tumakbo mula July 9-18 sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Nag-culminate ito sa awarding ceremonies noong July 18, 2010, sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater).


Hindi nagkamit ng anumang parangal ang pelikulang Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio, ang entry ni Mario O'Hara sa Directors Showcase category.


Nais ng PEP na malaman ang naging reaksiyon ng beteranong direktor, hinggil sa pangyayari. "Hindi tayo puwedeng magtanong. Hindi natin puwedeng kuwestiyunin 'yon," pag-unawa pa rin ng veteran filmmaker.


Kabilang sa mga naging main jury (para sa Shorts, New Breed at Directors' Showcase) ng Cinemalaya 2010 sina: writer-director Jose Javier Reyes, actor Ricky Davao, film critic Joselito Zulueta, at mga foreign programmers na sina Ishizaka Kenji (mula sa Tokyo, Japan), at Italo Spinelli (mula sa Rome, Italy).


"Kahit ano pa man ang isipin natin, only time will tell. Kung may 'vindication' man, panahon lang ang makakapagsabi. Wala akong masasabi diyan. I just let my film speak for itself," sabi ni Mario O'Hara.



FOR FILIPINO STUDENTS.
Matapos ang awarding ceremonies ay may kanya-kanyang grupo ng mga nagsipagwaging entries na nagdiwang over late dinner sa mga katabing restaurant ng CCP. Si Direk Mario ay nagkaroon naman ng selebrasyon sa tahanan ng mga O'Hara sa Brgy. Bangkal sa Makati City.


Kung may pagtataka man, o kalungkutan sa mga kapanalig at taga-suporta ng Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio, dahil sa hindi nito pagwawagi ng award, salungat ang naging damdamin ni Direk Mario, na tumulong sa kanyang pamangkin (Janice O'Hara), mula sa pagsasaliksik ng authentic documents hinggil sa trial ni Andres Bonifacio, hanggang sa aktwal na pagsusulat ng script.


"Masaya kami, dahil alam namin na maganda ang pelikula. At marami ang nakapanood, at nag-appreciate na manonood," sabi rin ni Direk Mario. Patunay nito ang napunong main theater ng CCP noong July 17 sa gala night ng Ang Paglilitis...


"Ginawa namin ang pelikula, hindi naman para sa awards," banggit pa ni Direk Mario. "Para ito sa mga Pilipinong estudyante, na marami sa kanila ang nagpunta sa CCP at nakapanood. At marami pang estudyante ang gusto kong makapanood. Masaya ako, kasi 'yun na ngayon ang audience. Kaya gagawa pa rin ako ng pelikula para sa kanila," paniniyak pa ng direktor.


BIDASARI.
Malaon nang nababanggit ni Direk Mario ang tungkol sa nais niyang gawing historical epic movie, ang Bidasari, tungkol sa buhay ng mga Pilipino bago pa man masakop ng mga Kastila ang ating bansa. "Pre-[colonial] Philippines ito. Maganda ang material. Maraming action scenes, dahil mga warriors ang mga unang Pilipino noon, led by Lapu-Lapu," aniya.


"Magandang material din, na makakatulong sa mga estudyante, sa pag-aaral nila ng history..."


At, tulad sa Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio, hindi lang ang mga kaalaman ukol sa mga tala ng kasaysayan ang nais ng writer-director na mabigyang-pansin, kundi pati na rin ang mga elemento ng sining ng teatro at pelikula, na maayos na naisasangkap ni Mario O'Hara sa kanyang mga obra, tulad sa kanyang debut film, ang Mortal (1976).


ACCLAIMED WORKS.
Ilan lamang sa mga highly acclaimed works ni Mario O'Hara ang mga klasikong pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Bulaklak Sa City Jail (1984), Bagong Hari (1986), The Fatima Buen Story (1994), at Babae Sa Breakwater (2004).


Marami pa siyang nagawang pelikula, simula noong dekada sitenta, na kumita sa takilya at naging kapuri-puri, sa mga manonood at kritiko.


In fact, hanggang ngayon, nakabase ang achievement ng superstar-actress na si Nora Aunor sa una nitong pagwawagi ng major acting awards (mula sa Urian at FAMAS, noong 1977) sa pagkakadirek sa kanya ni Mario O'Hara sa Tatlong Taong Walang Diyos, isang war drama.


Napili ring pagkalooban ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino sa Urian Awards, noong 2000, ng Gawad Pan-Dekada (1990's) ang The Fatima Buen Story. Ito ay pinagbidahan ni Kris Aquino.


Para sa Bulaklak Sa City Jail, nanalo ng tatlong best actress awards si Nora Aunor (Catholic Mass Media Awards, FAMAS, at unang Star Awards for Movies ng PMPC, taong 1985).


Si Mario O'Hara din ang unang recipient ng Best Director Award sa Star Awards for Movies nang taong 'yon. Ito ay mula sa award giving body na Philippine Movie Press Club. Noong 2004, isa ring Urian Best Picture winner at Philippine entry sa Cannes Film Festival Directors' Fortnight ang Babae Sa Breakwater, acting debut ni Katherine Luna. Nagtamo si Katherine ng dalawang international acting recognitions (mula sa Cinemanila International Film Fest at India's Osian Cinefan Film Fest) para sa kanyang pagganap.


"Mabuti naman kung may ganyang pagtanggap. Pero, malas talaga ako sa awards. Di ba, tulad sa Tatlong Taon...? Hindi 'yon na-nominate na Best Picture, sa mga critics. Sa FAMAS, na-nominate, pero hindi rin nanalo," pagre-recall pa ni Direk Mario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
indie, Cinemalaya
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After helming Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, Mario O'Hara will direct another historical film titled Bidasari. It will depict the wars fought in pre-colonial Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results