Angel Locsin on possible revocation of license of teacher who body-shamed her: "Hindi naman kailangang umabot sa ganun."

by Arniel C. Serato
Nov 18, 2020
Angel Locsin says the license of teacher who used her as an example of an “obese person” in a learning module should not be revoked: "Hindi naman kailangang umabot sa ganun.”
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Naniniwala si Angel Locsin na hindi kailangang tanggalan ng lisensiya ang gurong si Keith Richard Firme ng Abra de Ilog National High School, Occidental Mindoro.

Nag-viral sa social media ang ginawang module ni Firme noong November 13, kung saan ginawa niyang example si Angel bilang “obese person” sa ginawa nitong learning module.

Sa pakikipagpalitan ng komento ni Angel sa isa niyang follower sa Instagram noong Linggo, November 15, sinabi ng 34-year-old actress na hindi kailangang dumating sa ganoong punto ang sapitin ng teacher.

Ayon sa isang netizen, “Hindi ba unethical ang ginawa ng teacher na yan, which I think is enough reason to revoke his/her license?”

Tugon ng Iba ‘Yan host, “hindi naman kailangang umabot sa ganun.”

Continue reading below ↓

Isang netizen, na nagpakilalang public school teacher, ang nagkomento sa post ni Angel sa Instagram ukol sa apology statement ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa kanya, tiyak na may natutunang leksiyon ang guro at sana raw ay mapatawad na ito ng aktres.

Alam din daw ng netizen na may mabuting puso si Angel.

Buong komento ng netizen: “Im also a Public Teacher ate Angel. Alam ko po na may mga lessons na natutuhan din ang gumawa niyan..I know, meron po kayong malaking puso ate..

“Sorry for the wrong action na nagawa ng teacher.. Sana you still forgive po.”

Isang heart emoji ang naging tugon ni Angel sa netizen.

Continue reading below ↓

TEACHER MAY FACE SANCTION

Ayon naman kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, maaring maharap sa isang sanction si Firme base na rin sa existing rules and regulations ng ahensiya.

Pahayag niya sa panayam ng ANC Matters of Fact, nakarating na sa kanilang dibisyon sa Occidental Mindoro at sa guro ang isyu.

Saad pa niya, “We believe that the item was not acceptable and that has been withdrawn.”

Umaksiyon na raw ang DepEd Occidental Mindoro ukol sa maling module.

Ano ang maaaring maging kaparusahan ng guro?

Sabi ni San Antonio, “There will be an administrative process that will be initiated and appropriate sanctions for that specific misstep of the teacher will be imposed after due process.”

THE MODULE CONTROVERSY

Noong November 13, nag-viral sa social media ang module na ginawa ni Firme.

Inilarawan niya si Angel bilang “obese person” sa kanyang Physical Education module.

Mababasa sa pitak na kumalat sa Facebook:

Continue reading below ↓

“SITUATION. Angel Locsin is an obese person.

"She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in MANG INASAL fast food restaurant most of the time.

"In her house, she always watching television and does not have any physical activities.

"QUESTIONS: (5 pts each)

"1. What do you think will happen to Angel if she continues her lifestyle?

"2. How do lifestyle affects the health of an individual?"

Noong araw ring iyon, nag-deactivate na ng kanyang Facebook account si Firme.

Kinabukasan, November 14, humingi ng paumanhin ang DepEd Division of Occidental Mindoro.

Nilinaw nilang ang kumalat na learning material ay hindi bahagi ng kanilang “self-learning module (SLM) developed and quality assured by DepEd Central office.”

Ang nasabing material daw ay isang “teacher made assessment for a Grade 10 MAPEH class purposely to measure specific competencies of the learning area.”

Ibig sabihin, isa itong pagsusulit para sa mga mag-aaral na nasa Grade 10.

Continue reading below ↓

Bahagi ng pahayag ng DepEd: “We would like to express our sincerest apology to the concerned individuals who may have been offended or harmed by this incident.

“The Department of Education does not tolerate nor condone any act of body shaming, ad hominem or any similar act of bullying both in the physical and virtual environments.”

Kinausap na rin daw ng kanilang opisina ang guro na gumawa ng learning material.

ANGEL CALLS OUT DEPED

Hindi naman nagustuhan ni Angel ang apology ng DepEd dahil hindi raw nito in-address ang totoong isyu.

Ayon sa aktres, hindi siya apektado sa mga "insults" at "cheap comments," pero "bothered" siya dahil parang hindi apektado ang ahensiya sa inasal ng guro na nagturo ng maling grammar.

Bahagi ng pahayag ni Angel: "I don't mind the insults. Cheap comments do not define who I am.

"I intended to ignore this issue, but when I read deped's statement, aba teka lang.

"What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children.

Continue reading below ↓

"Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?

"This is the more relevant issue deped, that you should be held accountable and must correct. Sa inyo naka salalay ang pag asa ng ating milyon milyong kabataan."

Hindi pa sumasagot ang DepEd sa paninita na ito ni Angel.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin says the license of teacher who used her as an example of an “obese person” in a learning module should not be revoked: "Hindi naman kailangang umabot sa ganun.”
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results