Catriona Gray in romantic getaway with Sam Milby on her 27th birthday

by Rachelle Siazon
Jan 10, 2021
Miss Universe 2018 Catriona Gray says she celebrated her 27th birthday with boyfriend Sam Milby at a "rustic cabin in the woods." She posts a video showing Sam lighting the fireplace (lower right) and a photo of her looking like she really enjoyed her vacation (upper right).
PHOTO/S: @powercaressing / @catriona_gray Instagram

Sa isang bihirang pagkakataon, naghayag ng kilig si Catriona Gray tungkol sa "birthday getaway" niya kasama ang boyfriend na si Sam Milby.

Nagdiwang ang Miss Universe 2018 beauty queen ng kanyang 27th birthday noong January 6, 2021.

Noong January 8, ipinakita ni Catriona ang simple pero romantic date nila ni Sam sa "rustic cabin" na tila nirentahan ni Sam.

Makikitang sila mismo ang naghanda ng kanilang homemade pizza at cheese plate na inilagay ni Sam sa isang center table kalapit ng fireplace.

Ayon kay Catriona, si Sam ang nag-organisa ng kanilang date na iyon.

Ang caption ng Instagram post ng beauty queen-TV host ay: "No birthday cake, only homemade birthday pizza.

"So in love with this rustic cabin in the woods (parang horror movie haha) that @samuelmilby got for my birthday getaway [tree, snowing, smile emojis].

"Also, stay tuned...this year I'll be having another birthday fundraiser! Details coming soon!"

Continue reading below ↓

Halatang in love si Catriona, base na rin sa kanyang Instagram post ngayong January 10.

Kalakip ng litrato niya ang isang quote mula sa ancient philosopher na si Atticus.

Sabi rito, "never go in search of love. go in search of life. and life will find you the love you seek."

Continue reading below ↓

Did CATRIONA visit sam's childhood home in ohio?

Hindi kaila sa mga masugid na fans nina Catriona at Sam na magkasama silang nagbakasyon sa U.S.

Doon sila nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Noong December 25, 2020, inanunsiyo ni Sam na nakauwi siya sa bahay ng kanyang mga magulang sa Tipp City, Ohio.

Makikita sa Instagram account ni Sam ang litrato ng Christmas tree sa kanilang bahay doon.


Continue reading below ↓

Noong December 29, 2020, nag-post si Catriona ng picture sa tapat ng isang pond na napapaligiran ng mayabong na mga puno.

Simpleng caption ni Catriona, "Baby, it's cold outside."

SAM'S FAMILY HOME IN OHIO

Hinihinalang kuha ang picture ni Catriona sa bakuran ng childhood home ni Sam, kunsaan nakatira pa rin ang mga magulang ng actor-singer.

Continue reading below ↓

Dati na kasing ipinakita ni Sam ang aerial view ng bahay nila sa Ohio na katapat ng isang malaking pond.

Makikita iyon sa January 9, 2020 Instagram post ni Sam.

Saad sa caption noon ni Sam, "Feels like full circle going back to the place where it all started.

"So many memories growing up here playing in our pond... a quiet simple life."

Ginamitan niya ito ng hashtags na "#familytime #hometown #noplacelikehome."

Continue reading below ↓

Noong January 5, una nang naiulat sa PEP.ph ang tungkol sa napagtagni-tagning mga litrato nina Sam at Catriona nitong nagdaang Christmas season.

Kasama rin doon ang sweet photo nila nang mag-video call sila sa personal assistant ni Sam na si Nene Limosnero noong January 2, 2021.

Kinumpirma ni Sam ang tungkol sa relasyon nila Catriona noong May 23, 2020.

Si Catriona, 27, ay napapanood sa Sunday Noontime Live, ang weekly musical variety show na umeere sa TV5.

Si Sam, 36, ay ka-love triangle sina Iza Calzado at Jodi Sta Maria sa ABS-CBN prime-time series na Ang Iyo Ay Akin.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray says she celebrated her 27th birthday with boyfriend Sam Milby at a "rustic cabin in the woods." She posts a video showing Sam lighting the fireplace (lower right) and a photo of her looking like she really enjoyed her vacation (upper right).
PHOTO/S: @powercaressing / @catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results