Ellen Adarna on being linked to Derek Ramsay: “Di man si Derek ung gusto ko.”

by Bernie V. Franco
Jan 14, 2021
Ellen Adarna reacts after a netizen called her "malandi" for commenting on Derek Ramsay's Instagram post.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna and @ramsayderek07 on Instagram

Nag-react na rin si Ellen Adarna sa pag-uugnay sa kanila ni Derek Ramsay.

Nabigyan ng malisya ang mga lumabas na larawan nina Derek at Ellen na kuha mula sa gathering na ginanap sa bahay ng aktor noong January 11, 2021.

Nag-host si Derek ng kasiyahang dinaluhan nina Ellen, Ruffa Gutierrez, John Estrada, at ilang non-showbiz friends.

Si Ruffa ang kumuha ng mga larawan at video nina Ellen at Derek na nag-viral matapos itong i-post sa Instagram.

Inimbitahan ni Derek ang mga kapwa artista dahil magkakapitbahay raw sila.

Sa mga kuhang ipinost ni Ruffa, makikita kasi ang pagtititigan, kulitan, at hawakan nina Ellen at Derek.

Ito ang dahilan kung kaya't iniuugnay sila ng netizens.

ELLEN reacts to "malandi" tag

Ngayong umaga ng Huwebes, January 14, nag-post ng selfie si Derek habang nakahiga.

Caption ng aktor: “Hmmmmmmmmmmm???? #ilikeyoureyes”

Dinugtungan ito ni Derek ng dalawang laughing face with tears emojis, na indikasyong nagpapa-cute lang siya sa kanyang post.

Continue reading below ↓

Isa sa mga unang nagkomento rito ay si Ellen, na halatang nakikipagkulitan lang.

“Makuha ka sa tingin and pickup lines pak!” komento ni Ellen.

Tinag ng aktres ang isang non-showbiz female friend na kasama nila sa dinner sa bakay ni Derek.

Gaya ng inaasahan, may mga nakapuna sa pagko-comment ni Ellen sa post ni Derek.

Continue reading below ↓

May sinagot na netizen si Ellen kaugnay ng pag-uugnay sa kanila ng aktor.

Hindi na mababasa ang komento ng netizen, pero base sa mga nagtanggol kay Ellen, tinawag ng basher na “malandi” si Ellen matapos itong magkomento sa larawan ni Derek.

Sagot ni Ellen sa basher niya: “actually di man si derek ung gusto ko.. parehos kami ng gusto si @galibearstravel yan talaga yung totoo kaya wag kana ma strong jan [laughing emojis]”

Ang tinag ni Ellen sa kanyang komento ay isang male non-showbiz friend na kasama rin nila sa gathering.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May isa ring nagkomento sa post ni Ruffa ng larawan nila nina Derek at Ellen na kuha mula sa dinner party.

Pinapag-ingat ng netizen si Derek kay Ellen.

Sagot ni Ruffa sa babala ng netizen: “life is short! Let’s be happy [face with heart eyes and heart emojis]”

DEREK AIRS HIS SIDE

Noong Martes ay nagsalita na rin si Derek tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Ellen.

Continue reading below ↓

Sa panayam niya sa PEP Troika, ikinuwento ng aktor kung bakit niya naisipang mag-host ng party kasama sina Ruffa, John, at Ellen.

Noong nakaraang linggo raw ay nakita niya ang best friend na si John at si Ellen sa isang restaurant, na nag-uusap para sa kanilang upcoming TV sitcom sa TV5.

Nalaman daw ni Derek na malapit lang sa kanyang bahay sa Ayala, Alabang ang bahay ni Ellen kaya naisip ni Derek na imbitahan ang mga ito.

Samantala, nagugulat na lamang daw si Derek sa pag-uugnay sa kanila ni Ellen.

Hindi ito ang unang beses na inili-link si Derek sa isang babae matapos nilang mag-break ni Andrea Torres noong November 2020.

Iniugnay rin siya kina Pops Fernandez at Bea Alonzo, na mariiing itinanggi ni Derek.

At ngayon ay kay Ellen naman siya nali-link dahil lang nagsama sila sa isang gathering.

"Hindi ko na alam kung saan nanggagaling lahat ito. Napakatahimik kong tao.

Continue reading below ↓

"We’re all having fun,” katwiran ni Derek.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna reacts after a netizen called her "malandi" for commenting on Derek Ramsay's Instagram post.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna and @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results