Mayor Isko Moreno dismisses COVID-19 “superspreading” in Nazarene feast; denies photos of crowd among devotees

5 days ago
Mayor Isko Moreno, Feast of Black Nazarene 2021
Manila Mayor Isko Moreno (left) shows the live videos taken by the city government's monitoring cameras around the vicinity of Quiapo Church where Black Nazarene devotees—wearing face masks and face shields and standing one meter apart from each other—are seen in queue while patiently waiting to be allowed to get inside the church on Saturday, January 9.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso, Manila Public Information Office on Facebook

Para kay Manila Mayor Isko Moreno, hindi maituturing na “superspreader event” ng COVID-19 ang pagdiriwang ng pista ng Black Nazarene sa lungsod nitong Sabado, January 9.

Ito ay kahit pa tinaya ng Manila Police District (MPD) sa 400,000 ang nagtipun-tipon nitong Sabado sa paligid ng Quiapo Church para sa pinakamalaking taunang religious event sa bansa.

Ayon sa 46-year-old actor-politician, dahil sa “disiplina” ng mga Manilenyo, matiwasay na nairaos ang pista ng Black Nazarene sa kabila ng pandemya.

“It’s been ten months now. We must move on,” quoted ng Manila Bulletin na sinabi ni Mayor Isko sa mga mamamahayag ngayong Lunes, January 11.

“We must learn how to live with COVID-19 and learn how to go to work safely, continue to open the economy.

“This risk should be managed.”

Tiniyak din ni Mayor Isko ang kahandaan ng siyudad na magsuri at mag-isolate ng mga dumalo sa pista na makakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19.

Continue reading below ↓

“Handa ang Maynila, but then again, it only proves na kapag nagkukusang disiplina ang tao, kapag sumunod ang tao, talagang may maa-achieve tayong maganda kahit papaano,” anang alkalde, tinukoy ang pista nitong Sabado.

THE “POTENTIAL SUPERSPREADER” EVENT

Ito ang naging reaksiyon ni Mayor Isko sa sinabi ni Dr. Tony Leachon, dating special adviser ng National Task Force Against COVID-19, na isang “potential SUPER SPREADER” event ang pista ng Black Nazarene.

Ang superspreader, ayon kay Dr. Leachon, ay “a person who transmits an infectious disease or agent to an unexpectedly or unusually large number of other people.”

Continue reading below ↓

Ibig niyang sabihin, sakaling isa sa mga dumalo sa pista ay positibo sa COVID-19, delikadong mahawahan nito ang napakaraming deboto na naroroon din sa pagdiriwang.

Idinaan ni Dr. Leachon sa serye ng tweet ang pangamba niyang ito matapos na kumalat sa social media nitong Sabado ang mga litratong kuha umano sa labas ng Quiapo Church.

Sa litrato, makikita ang makapal na kumpulan ng mga deboto, karamihan ay nakasuot ng dilaw at maroon na damit, habang nasa labas ng simbahan.

DISEASE EXPERT WARNS OF SURGE OF CASES

Ayon kay Dr. Leachon, dapat ginawa ng gobyerno ang lahat ng paraan upang maiwasan ang mass gathering, na tulad ng pista ng Poong Nazareno.

Nariyan daw kasi ang panganib ng bago at mas nakakahawang variant ng COVID-19, bukod sa hindi pa nasisimulan ang pagbabakuna sa bansa laban sa virus.

Babala ni Dr. Leachon: “I’m afraid that the surge will lead to stricter quarantine classification and affect our economy.”

Continue reading below ↓

DOH: DEVOTEES MUST ISOLATE THEMSELVES

Isang araw matapos ang pista, nitong Linggo, January 10, ay nag-abiso ang Department of Health (DOH) sa lahat ng dumalo sa pista ng Black Nazarene na mag-isolate muna sa mga susunod na araw.

“For all those who attended the Traslacion, it would be best, lalo na kung may kakayahan ang kanilang tahanan at kung may vulnerable household member sila, na humiwalay na muna ng kuwarto and to minimize interaction,” saad sa statement ng DOH.

Continue reading below ↓

Mahalaga rin daw pakiramdaman ang sarili laban sa mga sintomas ng COVID-19 habang nasa isolation.

Sakaling makaramdam ng alinman sa mga sintomas, kaagad daw itong ipagbigay-alam sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT), ayon sa DOH.

“CLEAR VIOLATION OF SOCIAL DISTANCING” CITED

Nag-react si Dr. Leachon sa DOH advisory na ito.

Ang paalalang ito ng DOH ay malinaw raw na “admission of faulty decision making process” sa panig ng mga nagpahintulot sa pagtitipun-tipon sa paligid ng Quiapo Church.

Dapat daw kasi, ayon kay Dr. Leachon, ay pinigilan ni Health Secretary Francisco Duque III—bilang isa sa mga namumuno sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases—ang religious event nitong Sabado.

Ang pista raw ng Black Nazarene, tweet ni Dr. Leachon, ay isang “clear violation of social distancing measures that can lead to a super spreading event."

Continue reading below ↓

MAYOR ISKO SAYS NAZARENE PHOTOS ARE “PINUPULITIKA”

Gayunman, ang mga litratong pinuna ni Dr. Leachon ay mariing pinabulaanan ni Mayor Isko.

Sa isang Facebook Live post nitong Sabado ng tanghali, sinabi ni Mayor Isko na “pinupulitika” ng mga “atat” ang pista ng Nazareno.

“Sa mga kababayan natin na nag-aalala—kasi maraming lumalabas na mga pictures na pinupulitika yung sitwasyon ng pista ng Nazareno—imbes na tayo ay manalig, manalangin, magkaisa, yung mga political interest ng ibang pulitiko, ginagamit yung sitwasyon,” sabi ng alkalde.

Nag-Facebook Live si Mayor Isko habang nasa command center ng Manila City Hall kasama si Manila Police District (MPD) Director Brigadier General Leo Francisco.

Nagmo-monitor noon ang alkalde sa pagtitipun-tipon ng mga deboto sa iba’t ibang kalye sa paligid ng Quiapo Church, kabilang ang Plaza Miranda at Carlos Palanca.

Patuloy ni Mayor Isko: “Dun sa mga pulitikong tolongges, manahimik kayo.

“Huwag ninyong bastusin yung pananalig ng tao.”

Hindi pinangalanan ng alkalde ang mga pulitikong pinasasaringan niya habang isa-isang ipinakikita ang kuha ng mga camera ng siyudad sa paligid ng simbahan.

Continue reading below ↓

Makikita roong maayos at magkakalayong nakapila ang mga debotong nangakasuot ng face masks at face shields habang naghihintay makapasok sa loob ng Quiapo Church.

“Pulitika pa more!” ani Mayor Isko. “Atat kayo, ah.”

“FAKE NEWS” ALLEGATIONS

Dagdag pa ng Manila mayor, kasabwat daw ng mga pinaparunggitan niyang pulitiko ang ilang miyembro ng media para magpakalat ng “fake news” kaugnay ng pista ng Black Nazarene.

Paliwanag ng alkalde, ang tanging isinasapubliko lang daw ng mga nabanggit na mamamahayag ay “iyong problema.”

Sabi ni Mayor Isko: “Huwag nagpapapaniwala diyan sa mga fake news.

“Kasi may mga media na ang gusto nilang ipalabas, iyong problema.

“Ang makikita niyo sa ibang news outlet yung gulo, kasi walang balita sa maayos.

“Kapag maayos, dapat balita 'yan,” sabi pa ni Mayor Isko.

Continue reading below ↓

BLACK NAZARENE FEAST WITHOUT TRASLACION

October 2020 nang inihayag ng pamunuan ng Quiapo Church na kanselado ang Traslacion 2021 dahil sa pandemya.

Para maipagdiwang pa rin ng mga deboto ang pista, nagtakda ang mga organizers ng pista ng novena at mga misa nitong December 31 hanggang January 8.

Napanood online ang mga misang iyon para himukin ang mga deboto na huwag nang pumunta sa Quiapo Church sa mismong araw ng kapistahan ng Poon nitong Sabado.

Bukod dito, nag-ikot din sa iba’t ibang kapilya at simbahan sa Metro Manila at ilang lalawigan ang replica ng Black Nazarene.

Layunin nitong magkaroon ng kani-kanilang misa, novena, at prusisyon ang mga deboto para maiwasang sabay-sabay magsimba ang mga ito sa Quiapo Church.

Sa kabila nito, dumagsa pa rin ang daan-daang libong deboto sa Quiapo Church, na ilang oras na pumila para makapasok sa loob ng simbahan.

Sa isang panayam sa GMA News TV nitong Sabado, tiniyak ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, ang “30% minimum seating capacity” sa loob ng simbahan nitong Sabado.

Continue reading below ↓

“Nasusunod ang 30% minimum seating capacity sa loob ng Quiapo Church,” sinabi ni Fr. Badong sa kasagsagan ng pista.

Thirty percent minimum seating capacity lang ang pinapayagan sa loob ng mga simbahan, alinsunod sa IATF guidelines para sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno (left) shows the live videos taken by the city government's monitoring cameras around the vicinity of Quiapo Church where Black Nazarene devotees—wearing face masks and face shields and standing one meter apart from each other—are seen in queue while patiently waiting to be allowed to get inside the church on Saturday, January 9.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso, Manila Public Information Office on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results