Janella Salvador's parents, close friends know about her baby with Markus Paterson

by Rachelle Siazon
Jan 6, 2021
Now that they've admitted to having a child, Janella Salvador and Markus Paterson show some of the good wishes they've gotten from family and friends. These include Janella's mom Jenine, her dad Juan Miguel, good friend Erich, and aunt Maja.
PHOTO/S: M & J Youtube / @erichgg and @iammajasalvador Instagram

Inilihim man ni Janella Salvador sa publiko ang kanyang pagbubuntis noon, buo ang suportang natanggap niya sa kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan.

September 18, 2020 nang inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmadong buntis si Janella sa anak nila ng nobyong si Markus Paterson.

Nakasaad din sa report na napag-alaman ng PEP source na Oktubre ang expected delivery date ni Janella.

Usap-usapan na noon ang paglipad ni Janella patungong Wiltshire, England, ang hometown ng British father ni Markus.

Anim na araw bago iyon, o noong September 12, 2020, kakaamin pa lang nina Janella at Markus na sila ay magkasintahan.

By that time ay isang taon at walong buwan na ang kanilang relasyon.

Hanggang sa nitong January 5, 2021, kinumpirma nina Janella at Markus na noong October 20, 2020 ay ipinanganak ng aktres ang kanilang baby boy na si Jude Trevor Paterson.

Sa loob ng halos 30-minute video, nagbigay ng mensahe ang piling mga taong sinabihan nila tungkol sa kanilang nabuong pamilya.

Continue reading below ↓

Inilabas iyon nina Janella at Markus sa kanilang joint YouTube vlog na may pangalangang M & J.

JENINE DESIDERIO & SON RUSSEL

Ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio at bunsong kapatid na si Russel ay nasubaybayan daw ang pagbubuntis at panganganak ng aktres.

Lumipad sina Jenine at Russel patungong England noon pang Oktubre, at naroon pa rin ngayon kasama nina Janella at Markus.

Masayang sabi ni Jenine tungkol sa kanyang apo: "You surely made the daily COVID-restricted lives of the people around you a lot better by your mere presence.

"And now, it's time to share that joy with the rest of the world.

"Russel and I are very lucky to be one of the first to hold you, to hug you, and to witness your transformation from being a fetus to the adorable interactive infant that you are now.

"You even came to me in a dream even before you were born."

Continue reading below ↓

Hindi man daw inaasahan ang pagkakaroon ng anak ni Janella, wala raw kuwestiyon sa pagtanggap at pagmamahal niya para sa apo.

"I know you came to us as a surprise. But you are one pleasant suprise that we don't mind having. We love you very much."

“Lala” ang nais ni Jenine na itawag sa kanya ng apo.

Continue reading below ↓

JUAN MIGUEL SALVADOR

Excited na rin ang ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador na makita ang apong si Baby Jude pag naiuwi ito sa Pilipinas.

Toto ang nickname ni Juan Miguel.

Sabi niya, "Hey, Jude. It's me, Toto. Welcome to the world little one. I can't wait to see you.

"When things normalize, tell your mom and dad to bring you home right away so I can hold you, so I can love you, and smother you with kisses.

"See you soon. I love you baby."

Continue reading below ↓

ERICH GONZALES

Ang close friend ni Janella na si Erich Gonzales ay isa naman sa mga magiging ninang ni Baby Jude.

Mensahe ni Erich para sa inaanak: "Finally! I cannot wait to see you, hug you, squeeze you and bite your chubby cheeks! Please don't grow up too fast.

"Your Ninang Erich will always be here for you, praying for you. I cannot wait to see you na. Come home na!"

Continue reading below ↓

MAJA SALVADOR

Kabilang din si Maja Salvador sa mga unang nakaalam tungkol sa pagbubuntis noon ni Janella.

Maituturing na tiyahin ni Janella si Maja.

Naging malapit sila sa isa't isa nang magtrabaho sa defunct Kapamilya primetime series na The Killer Bride, na umere mula August 2019 hanggang January 2020.

Noong patapos na ang teleserye posibleng nabuntis si Janella, at tila naging confidante ni Janella si Maja.

Mensahe ni Maja: "I love you, Baby Jude. Hindi pa kita nakikita sa personal, pero mahal na kita agad.

"Kasi grabe yung ginawa mo sa amin ng mommy mo. Isa kang malaking blessing.

"Akala ko after teleserye namin ng mommy mo, hanggang dun na lang relationship namin, but no. Mas naging strong yung relationship namin ng mommy mo.

"Ang dami naming bonding after ng teleserye namin. Tapos biglang dumating ka sa buhay namin."

Sana raw ay makauwi na sa Pilipinas sina Janella at Markus kasama si Baby Jude.

Continue reading below ↓

"Excited ako na umuwi ka para maiparamdam ko sa iyo kung gaano kita kamahal.

"Kung gaano ko pinoprotektahan ang iyong mommy, triple pa iyong gagawin ko sa iyo."

Sinabi rin ni Maja na hanga siya sa katatagan ng loob ni Janella. Tinawag niya si Janella na Emma, na pangalan nito sa The Killer Bride.

"My Emma and Marcus, congratulations. To my Emma, I'm so proud of you. Alam kong di madali ang lahat.

"Alam kong di magye-yes sa lahat, but eto ka, nagawa mo na ito, dahil in-embrace mo, tinanggap mo si Baby Jude agad-agad sa buhay mo. I love you so much."

Continue reading below ↓

KYLE ECHARRI

Ang close friend naman ni Markus na si Kyle Echarri ay nagsabing isa siya sa magiging ninong ni Baby Jude.

Bahagi ng mensahe ni Kyle para sa baby nina Janella at Marcus: "I just want you to know that uncle loves you so much. I'm so excited to introduce you to the world.

"Just know that your parents love you so much ever since they heard about you.

"Especially your dad. I've never seen him more excited for anything in this world.

"We are all gonna be here for you."

Continue reading below ↓

PATRICK SUGUI & AERIeL GARCIA

Pati ang engaged couple na sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia ay kasama sa vlog nina Janella at Markus.

Pahayag nila: "We just wanna say that we can't wait to see you and play with you.

"We can't wait to watch you grow up. I'm sure you’re gonna grow up to be a fine young man.

"I'm sure your mom and dad are gonna take good care of you. See you soon!"

Continue reading below ↓

ABOUT JANELLA AND MARKUS

Si Janella, 22, ay homegrown talent ng ABS-CBN at nagsimulang sumikat sa daytime teleseryeng Be Careful With My Heart (2012-2014).

Huli siyang napanood sa teleseryeng The Killer Bride (2019-2020).

Anak siya ni Jenine Desiderio sa musician na si Juan Miguel Salvador.

Si Markus, 22, ay ipinanganak at lumaki sa United Kingdom.

Ang kanyang amang si Trevor Paterson ay dating British Air Force pilot, habang ang kanyang ina na si Norma ay isang Filipino na tubong Pangasinan.

Sumabak sa showbiz si Markus matapos niyang sumali sa defunct ABS-CBN reality singing competition na Pinoy Boyband Superstar noong 2016.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Now that they've admitted to having a child, Janella Salvador and Markus Paterson show some of the good wishes they've gotten from family and friends. These include Janella's mom Jenine, her dad Juan Miguel, good friend Erich, and aunt Maja.
PHOTO/S: M & J Youtube / @erichgg and @iammajasalvador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results