Laurenti Dyogi appointed new head of Star Magic; some A-list stars reportedly want to rescind their contracts

by Bernie V. Franco
Sep 25, 2020
ABS-CBN TV Production Head Laurenti Dyogi named as the new head of Star Magic. Dyogi will assume his new designation in 2021.
PHOTO/S: ABS CBN PR

Inanunsiyo ng ABS-CBN ang pagtatalaga kay Laurenti Dyogi bilang bagong head ng Star Magic, ang talent-management arm ng Kapamilya network, simula sa 2021.

Inilabas ng ABS-CBN Corporate Communications ang announcement ngayong Biyernes, September 25, 2020.

Papalitan ni Dyogi ang long-time head ng Star Magic na si Mariole Alberto pagsapit ng January 1, 2021.

Ang huling araw ni Alberto bilang head ng talent management arm ng ABS-CBN ay sa December 31, 2020.

Ang Star Magic ang responsable sa career ng mahigit 300 artista ng pinakamalaking broadcast station sa bansa.

Ang pagtatalaga kay Dyogi ay bahagi pa rin ng patuloy na pagbabawas ng mga empleyado ng ABS-CBN, ayon sa official statement.

Noong July 10, 2020, tuluyan nang pinagkaitan ng panibagong franchise ang ABS-CBN.

Pitumpung miyembro ng House of Representatives ang bumoto ng “yes” para hindi na mabigyan ng panibagong prangkisa ang TV network

Nagkatotoo ang binitawang banta noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng TV network.

Continue reading below ↓

Dulot ng pagsasara, kinailangang magpaalam ng free-to-air TV at radio stations ng ABS-CBN, dahilan para mawalan ng trabaho ang libu-libong empleyado ng TV network.

STAR MAGIC TO CONTINUE ITS MISSION

Sa pagtatalaga kay Dyogi, kinilala ng ABS-CBN ang malaking kontribusyon ni Mariole sa pagtuklas ng mga talents ng Kapamilya network.

Ayon sa official statement, “Over the years, Mariole has been instrumental in the discovery, development, and success of many of the country’s top talents. ABS-CBN would like to acknowledge and thank Mariole and Johnny Manahan or 'Mr M' for their many contributions to the company, Star Magic, and to the industry.”

Si Mr. M ang founder at chairman emeritus ng Star Magic. Siya ang naging kaagapay ni Mariole sa pagpapalakad ng pinakalamaking talent management agency sa bansa.

Dalawampu’t walong taon nang namamayagpag ang Star Magic sa pagtuklas ng mga artista.

Hindi maitatangging malaki ang kontribusyon ng Star Magic sa pagpapasikat ng mga artista, at nagiging bigating pangalan sa local showbiz.

Continue reading below ↓

Ilan sa kanilang prized talents, noon at ngayon, ay sina Piolo Pascual, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Gerald Anderson, Enrique Gil, Liza Soberano, at Julia Barretto.

Tiniyak naman ng ABS-CBN sa Star Magic artists na ipagpapatuloy nito ang "standards, values, and care" na legacy nina Mr. M at Mariole.

Sa pamumuno raw ni Dyogi, itutuloy ng Star Magic ang misyon nitong magdiskubre ng mga panibagong talento.

“Lauren, together with the Star Magic Team, will continue to be responsible for discovering, developing and managing talents. They will identify opportunities for our talents, while ensuring that these opportunities are aligned with the talent’s equity.”

Bukod sa pagiging bagong head ng Star Magic, mananatili si Dyogi bilang head ng TV Production ng ABS-CBN.

Na-promote si Dyogi bilang TV Production head noong 2013. Pero bago ito, nagsilbi siyang business unit head ng Pinoy Big Brother, ang reality show ng Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Si Dyogi ay naging direktor din ng ilang mga pelikula at teleserye ng ABS-CBN.

Kabilang sa mga idinirek niya ang G-mik (1999-2000), Kay Tagal Kang Hinintay (2002-2003), Now That I Have You (2004), at And I Love You So (2009).

WHAT WILL HAPPEN TO STAR MAGIC ARTISTS?

Kaugnay ng pagbabago ng liderato ng Star Magic, nakatanggap ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa ilang showbiz insiders na ilan sa A-list stars ng ABS-CBN ang gustong umanong ipakansela ang kanilang kontrata sa network.

Hindi umano alam ng mga artistang ito na mawawala na sa Star Magic sina Mariole at Mr. M nang pirmahan nila ang kontrata.

Ayon pa sa impormasyong nakuha ng PEP.ph, kabilang daw sa nag-rescind na ng kanilang kontrata ay ang rumored couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN TV Production Head Laurenti Dyogi named as the new head of Star Magic. Dyogi will assume his new designation in 2021.
PHOTO/S: ABS CBN PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results