Maja Salvador explains why she kept mum about Janella Salvador's pregnancy

by Rachelle Siazon
Jan 11, 2021
Maja Salvador (left) on being a witness to Janella Salvador's pregnancy journey last year: "Wala naman silang dinenay, e. Hindi natin masasabing tinatago or what. But, ibigay lang natin minsan sa mga tao kung gusto nila ng privacy."
PHOTO/S: @iammajasalvador / @starmagicphils Instagram

Isa si Maja Salvador, 32, sa mga unang taong nakaaalam tungkol sa pagbubuntis ni Janella Salvador, 22, noong 2020.

Tiyahin ni Janella si Maja. Naging malapit sila sa isa't isa nang magkatrabaho sa ABS-CBN primetime series na The Killer Bride, na umere mula August 2019 hanggang January 2020.

Nalaman ni Janella na siya ay buntis noong February 2020.

Ayon kay Maja, saksi siya kung gaano kasaya si Janella nang ipaalam nitong nagbunga ang pagmamahalan nila ng nobyong si Markus Paterson.

Noon pa lang ay sinabi na raw ni Janella na sumubok ito ng dalawang pregnancy test at "positive" ang resulta.

"Kung paano niya kinuwento sa akin, ganyan na ganyan. Walang dagdag, walang nabawas.

"Yung joy sa mata niya, iyang ngiti niya, ganyan. Silang dalawa, iba yung joy na na-feel nila.

"Siguro kasi iba talaga pag in love."

Ikinuwento ito ni Maja sa panayam niya kay Janella sa YouTube vlog ng Star Magic na may petsang January 7.

Continue reading below ↓

Si Maja rin daw ang isa sa mga piling tao na nakakita kay Janella noong buntis ito.

Bukod sa nagsilbi siyang confidante ni Janella, bumisita rin daw si Maja sa bahay ni Janella sa Manila.

Sabi ni Maja kay Janella, "Well, nakita kita during your pregnancy. Parang hindi ka nga pregnant. Parang ready ka. Sobrang blooming mo that time."

ON JANELLA'S SECRET PREGNANCY

Noong panahong iyon, alam din daw ni Maja na hindi lumalabas ng bahay si Janella dahil ayaw muna nitong magpakita sa publiko.

Lahad ni Maja, "Nandito pa lang siya sa Manila, yun na ang tanong ko—if you have plans na hindi itago.

"Ayaw naman talaga ni Janella at ni Markus...

"Pero siyempre nga po, ang hirap ng mundo natin. Pandemic na, instead of magmahalan tayo lahat, andami pa rin nasasabi ng ibang tao."

Naghintay lang daw ng tamang timing sina Janella at Markus.

Depensa ni Maja: "Wala naman silang dinenay, e. Hindi natin masasabing tinatago or what.

Continue reading below ↓

"But, ibigay lang natin minsan sa mga tao kung gusto nila ng privacy. Hindi naman sa madamot tayo."

Sabi pa niya kay Janella, "At least, galing na sa iyo, Beb, na gusto niyo lang i-cherish yung moments. Yung maging ready lang."

Sa parte ni Maja, naiintindihan daw niya ang pananahimik noon ng couple.

"For me, nirerespeto ko yun.

"Mahirap tanggapin ng iba, pero at the end of day, wala silang magagawa na.

"Let's just support and let's just be happy."

Noong September 2020, naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagbubuntis ni Janella.

Lumipad patungong England si Janella noong buwan ding iyon dahil doon nito planong manganak.

Nakasaad sa PEP report na October 2020 ang expected delivery date ng 22-year-old actress.

MUCH LOVE FOR BABY JUDE

At nitong January 5, 2020, tuluyang isinapubliko nina Janella at Markus ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak.

Isinilang ni Janella si Baby Jude noong October 20, 2020.

Continue reading below ↓

Ani Maja ukol dito, "Ayan na, nakita na natin si Baby Jude!"

Sa baby reveal vlog nina Janella at Markus, nagbigay ng mensahe si Maja para kay Baby Jude.

Nangako si Maja na mamahalin at poprotektahan niya si Baby Jude tulad ng ginawa niya kay Janella.

Aniya, "Excited ako na umuwi ka para maiparamdam ko sa iyo kung gaano kita kamahal.

"Kung gaano ko pinoprotektahan ang iyong mommy, triple pa iyong gagawin ko sa iyo."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador (left) on being a witness to Janella Salvador's pregnancy journey last year: "Wala naman silang dinenay, e. Hindi natin masasabing tinatago or what. But, ibigay lang natin minsan sa mga tao kung gusto nila ng privacy."
PHOTO/S: @iammajasalvador / @starmagicphils Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results