Michael V recovers from COVID-19

by Arniel C. Serato
Aug 1, 2020
Michael V advises COVID-19 positive patients to avoid stress: "So talagang dapat pag nakaramdam ka, pagka may symptoms ka, kung nagpa-test ka at positive ka, dapat gumawa ka ng paraan para hindi ka ma-stress during the time na naka-quarantine ka."
PHOTO/S: Jay Tablante

On the road to recovery na si Michael V labingdalawang araw mula nang ianunsiyo niyang COVID-19 positive siya noong July 20, 2020.

Sa eksklusibong panayam sa comedian ng 24 Oras Weekend ng GMA-7 ngayong gabi ng August 1, masayang nagkuwento si Michael tungkol sa panunumbalik ng kanyang pang-amoy.

Isa kasi sa sintomas nang pagkakaroon ng COVID-19 ay ang pagkawala ng pang-amoy ng isang tao.

Kuwento ng 50-year-old Kapuso na minsa'y tinatawag na "genius": "Yung pang-amoy, ang nakakatawa kasi may pang-amoy na ako pero wala pa rin sa giya.

"So hindi pa rin siya 100 percent…Noong isang araw, nagluluto ng hamburger yung kasambahay namin.

"Naamoy ko from this room [isolation]. Pero nung isinerve na sa akin, nung ibinigay na sa akin, hindi ko na maamoy from this distance [muwestra sa harap niya].

"Magulo talaga."

Ayon sa komedyante, hindi biro ang pinagdaraanan ng isang taong may COVID-19, kaya dapat daw ay maging responsableng mamamayan.

Continue reading below ↓

Wala rin daw kasing pinipili ang virus na ito na nagdulot ng pandemya sa mundo.

Palagi daw isaisip ang minimum health standard protocols: pagsusuot ng face mask, social distancing, at ang laging paghuhugas ng kamay.

Paalala pa niya sa mga taong mahahawaan ng virus, magiging matatag sa pagharap sa problema.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

At iwasan ang ma-stress. Saad niya, "Isa sa mga pangunahing contributor ng COVID is yung stress, e.

"So talagang dapat pag nakaramdam ka, pagka may symptoms ka, kung nagpa-test ka at positive ka, dapat gumawa ka ng paraan para hindi ka ma-stress during the time na naka-quarantine ka."

TO DONATE PLASMA

Kinukumpleto na lamang daw ng Kapuso star ang 14-day quarantine bago bumalik sa normal ang kanyang buhay.

Isa sa plano niya kapag matapos na ang kanyang quarantine ay mag-donate ng blood plasma para makatulong sa iba pang nahawaan ng COVID-19.

Pinaniwalaan kasing malaki ang naitutulong ng convalescent plasma infusion sa pagpapagaling ng isang COVID-19 patient.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Michael V, "Pag completely, pag naka-complete na ako nung 14 days, I think, the responsible thing to do is just that.

"Mag-donate para makatulong sa ibang kababayan natin at makatulong sa sensiya siguro. Sana kahit papano, may maiambag yung plasma ko, yung dugo ko para makahanap ng gamot o lunas dito sa sakit na ito."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V advises COVID-19 positive patients to avoid stress: "So talagang dapat pag nakaramdam ka, pagka may symptoms ka, kung nagpa-test ka at positive ka, dapat gumawa ka ng paraan para hindi ka ma-stress during the time na naka-quarantine ka."
PHOTO/S: Jay Tablante
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results