Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Rich Asuncion admits to working as a waitress in Australia: "Wala akong karapatan mag-inarte."

by Rachelle Siazon
Jul 1, 2020
Kapuso actress-beauty titlist Rich Asuncion speaks about embracing her new life with Filipino-Australian husband Benjamin Mudie in Australia.
PHOTO/S: @richasuncionmudie Instagram

Simple pero kuntento si Rich Asuncion sa bagong buhay niya sa Australia kasama ng asawang si Benjamin Mudie at anak nilang si Bela.

Si Rich, 31, ay Kapuso actress na gumanap bilang palaban na best friend ni Sunshine Dizon sa teleseryeng Ika-6 Na Utos.

Una siyang nakilala bilang StarStruck: Next Level First Princess noong 2007, at Binibining Pilipinas first runner-up noong 2009.


Continue reading below ↓

Ang asawa ni Rich na si Benjamin ay Filipino-Australian rugby player.

Kasagsagan ng COVID-19 pandemic nitong February 2020 nang magtungo sila sa Australia at nagpasya silang doon na manirahan.

Sa kanyang Instagram post noong Lunes, June 29, sinabi ni Rich na proud siya na mamasukang waitress para kumita ng pera at malibang na rin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Simulan natin ang post na ito nang masaya.

"Napakasaya ko ngayong araw dahil natanggap ko na ang una kong sweldo...at sa wakas ay di na ako nalulugmok sa lungkot.

"Malaking bagay to dahil sa panahon ngayon ang hirap humanap ng dahilan para sumaya.

"Lalo pa at nag-adjust palang ako dito sa Australia. Tagal ko rin naghanap ng work.

"Kailangan mo yun dito dahil pag sa bahay ka lang mas lalo kang malulungkot.

"Marami naman kasing opportunities dito basta di ka lang mapili.

"So yun na nga, dahil di na ko ako nagpaka-choosy [laughing with tears emoji] sinubukan ko na ang pag wi-waitress. Casual job at a restaurant."

Continue reading below ↓

Ibang-iba man sa kanyang buhay-artista, itinuturing ni Rich na blessing ang pagkakaroon ng maayos na trabaho.

"Nung una nahirapan ako tanggapin pero narealize ko ngayon, ano naman ang masama dun.

"Part pa rin naman sya ng Tourism course na kinuha ko sa UP.

"At wala akong karapatan maginarte kasi nabigyan ako panibagong chance to start anew."

Nakapagtapos si Rich sa Tagbilaran Science High School, at nasa ikatlong taon bilang Tourism student sa University of the Philippines noong 2015.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

HARD LIFE BEFORE SHOWBIZ

Marahil ay nakatulong sa adjustment ni Rich ang naranasang hirap sa buhay noong kabataan niya sa Tagbilaran City, Bohol.

Sa kanyang kuwento sa Tunay Na Buhay noong 2018, inilahad niyang mangingisda ang kanyang mga magulang.

Sa murang edad ay tumulong daw siya sa paglalako ng isda na inilalagay nila sa balde.

"Ako, yung kapatid ko, nanay ko, ilalako namin sa barangay namin. Yung tipong, 'Isda! Isda!' Ganun talaga!" proud na sabi ni Rich.

Kahit laki sa hirap ay hindi raw iyon naging hadlang para maging masaya ang kanilang pamilya.

Ito rin ang nagsilbing inspirasyon ni Rich kaya niya pinasok ang showbiz noong siya ay 18 years old.

Huling napanood si Rich bilang guest star sa mga teleseryeng Descendants of The Sun, Dahil Sa Pag-ibig, at Inagaw Na Bituin.

Continue reading below ↓

NEW MILESTONES IN AUSTRALIA

Balik sa latest Instagram post ni Rich, hiling daw niyang magsilbing inspirasyon sa iba ang kanyang karanasan na yakapin ang bagong buhay sa Australia.

"My point here is, I know most of us will need to adjust to a new/different life after this pandemic. And that’s not all that bad.

"To be able to survive through this is already a blessing. As hard as it may seem, look for the silver lining. Hold on and say I am still a champion.

"Be grateful because some people have lost more than you already have."

Masaya ring ibinalita ni Rich na natanggap siya sa in-apply-an niyang trabaho sa isang daycare center.

Bonus daw na doon din pumapasok ang one year and six months old niyang anak na si Bela.

Pahayag ng Kapuso actress-beauty titlist: "Sa ngayon ay tanggap ko na at masaya na ko sa bago kong buhay kasama ang aking pamilya.

Continue reading below ↓

"Nakapag-enrol na rin ako to continue my studies and last week, I was offered a full-time job at a Daycare where I can work closely with Bela.

"Life is indeed a journey full of highs and lows but you should never stop moving and you always keep moving forwards."

Higit sa lahat, unti-unti raw natutupad ang goal nila ng asawang si Benjamin na makapagpundar ng sarili nilang bahay.

Ani Rich, "P.S. Ben and I have also just put down a reservation for our future home here in Australia. What a blessing!"


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress-beauty titlist Rich Asuncion speaks about embracing her new life with Filipino-Australian husband Benjamin Mudie in Australia.
PHOTO/S: @richasuncionmudie Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results