Mayor Vico Sotto answers netizen tagging him “EXO member”; fans notice his resemblance to singer D.O.

by Jet Hitosis
Jan 4, 2021
Vico Sotto, EXO Do Kyungsoo
Some K-pop fans claim that South Korean boy band EXO member Do Kyungsoo's (right) facial features resemble that of Pasig City Mayor Vico Sotto (left).
PHOTO/S: @vicosotto, @kyungexok on Instagram

Aliw na aliw ang Twitter users sa paglilinaw ni Pasig City Mayor Vico Sotto na wala siyang kaugnayan sa South Korean boy band na EXO.

Mga tagahanga ng nine-member Seoul-based boy band ang karamihan sa nag-react sa reply ng 31-year-old mayor sa isang Pinoy EXO fan.

Tinag kasi ng Pinoy EXO fan si Mayor Vico sa isang tweet bilang “EXO MEMBER.”

Malinaw na may kinalaman ito sa matagal nang paghahawig ng fans kay Mayor Vico sa aktor at isa sa mga main vocalists ng EXO na si Do Kyungsoo, o mas kilala bilang D.O., 27.

January 1, 2021 nang mag-reply ang Pinoy EXO fan sa tweet ni Mayor Vico tungkol sa mga firecracker-related incidents sa Pasig.

Ayon sa alkalde, may “matitigas ang ulo na nagpaputok pa rin” pero malaki raw ang ibinaba ng bilang ng nasugatan kumpara sa pagsalubong sa 2020 noong nakaraang taon.

Batay sa initial update na iyon ni Mayor Vico, tatlo lang daw ang naputukan sa Pasig City General Hospital.

Continue reading below ↓

Nasa PHP200,000 halaga ng maliliit na paputok naman ang nakumpiska sa lungsod.

“HINDI PO AKO MEMBER NG EXO”

Maraming taga-Pasig ang nag-reply sa tweet na ito ni Mayor Vico.

Nagbigay sila ng kani-kanyang update sa mga insidente ng pagpapaputok sa kanilang lugar.

Pero agaw-eksena ang comment ng Pinoy EXO fan.

Continue reading below ↓

Hindi lang kasi si Mayor Vico ang naka-tag sa reply nito, kundi maging ang official Twitter page ng South Korean boy band.

Tweet ng fan: “THANK YOU ALL EXO MEMBERS.”

Sinagot ni Mayor Vico ang fan: “Hindi po ako member ng exo”

netizens post resemblance of vico sotto to exo member doh kyungsoo, vico reacts

KYUNGSOO LOOK-ALIKE?

Pero ang paglilinaw na ito ng Pasig mayor, kinaaliwan ng maraming netizens na naniniwalang kamukha nga niya si Kyungsoo.

Continue reading below ↓

Maraming Twitter users ang pabirong naghamon sa alkalde na ipaliwanag nito ang umano’y malaking pagkakahawig sa EXO member.

Nag-tweet pa ang netizens ng mga pinagtabing litrato nina Mayor Vico at Kyungsoo upang igiit ang pagkakahawig ng dalawa.

side by side photo of vico sotto and exo do

side by side photo of vico sotto and exo do

Continue reading below ↓

side by side photo of vico sotto and exo do

side by side photo of vico sotto and exo do

Continue reading below ↓

Isang Twitter user ang nagbiro pang ang alkalde raw ay “Mayor sa umaga, kpop artist sa gabi.”

side by side photo of vico sotto and exo do

Ang isang fan, pinagkumpara maging ang mga litrato nina Mayor Vico at Kyungsoo noong kapwa bata pa.

side by side childhood photos of vico sotto and exo do

Continue reading below ↓

Si Mayor Vico ay anak ng comedian-TV host na si Vic Sotto at ng beteranang aktres na si Coney Reyes.

May 2019 nang nahalal si Mayor Vico sa Pasig, bilang isa sa pinakabatang elected local officials sa bansa sa edad na 29.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Some K-pop fans claim that South Korean boy band EXO member Do Kyungsoo's (right) facial features resemble that of Pasig City Mayor Vico Sotto (left).
PHOTO/S: @vicosotto, @kyungexok on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results