Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Actor Wendell Ramos is now a certified firefighter

by Jet Hitosis
4 days ago
Kapuso actor Wendell Ramos is the newest member of Ang Bumbero ng Pilipinas, a non-profit organization of firefighters in the Philippines.
PHOTO/S: @wendellramosofficial

Isa nang certified firefighter si Wendell Ramos.

Ang 41-year-old Kapuso actor ang pinakabagong miyembro ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP), isang non-profit organization ng mga firefighters sa bansa na nakabase sa Maynila.

Linggo, June 28, nang ianunsiyo ni Wendell sa Instagram na nakumpleto na niya ang training sa ABP.

Ibinahagi ng aktor ang mga litrato ng ginawa niyang pagsasanay bilang bumbero.

At ngayon nga, isa nang ABP-certified firefighter si Wendell, at handa nang sumabak sa aktuwal na pag-apula ng sunog.

Continue reading below ↓

Pero marami pa raw siyang dapat matutunan at maranasan sa pagresponde sa sunog, ayon sa aktor.

Caption ni Wendell (published as is): “It was really an Honor to train and be a certified ABP #angbumberongPilipinas

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“but to be honest, I need to learn and experience more...”

Ayon kay Wendell, isang “humbling experience” ang pinagdaanan niyang matinding pagsasanay para maging bumbero.

Kaya naman “saludo” raw siya sa lahat ng firefighters sa bansa.

“It’s truly a humbling experience for me [praying hands emoji] at sa inyo pong lahat na mga bumbero ng pilipinas.. #saludo po ako sa inyong lahat.”

Continue reading below ↓

AIKO, FRANCINE, KATRINA CONGRATULATE WENDELL

Binati si Wendell ng mga kapwa niya celebrities.

Sinabi ng aktres na si Aiko Melendez na “super excited” siya para sa bagong career ng kaibigang si Wendell.

Magkasama sina Aiko at Wendell sa Kapuso teleserye na Prima Donnas.

Nag-congratulate rin sa aktor ang dating sexy actress na si Francine Prieto.

Continue reading below ↓

Matagal nagkatrabaho sina Wendell at Francine sa GMA-7 gag show na Bubble Gang.

Ang aktres na si Katrina Halili, ginamit ang pangalan ng karakter ni Wendell sa Prima Donnas nang batiin ang aktor.

Tinawag ni Katrina na "Jaime" si Wendell.

Sa reply ng aktor, tinawag niyang "Lilian" si Katrina.

Continue reading below ↓

Nitong June 26, kasama si Wendell sa mga miyembro ng ABP na nag-courtesy call sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno.

Nangako ng suporta ang actor-turned-politician sa grupo ni Wendell, na nagpasalamat naman sa alkalde.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Wendell Ramos is the newest member of Ang Bumbero ng Pilipinas, a non-profit organization of firefighters in the Philippines.
PHOTO/S: @wendellramosofficial
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results