Why kontrabida icon Ruel Vernal left showbiz; where is Ruel now?

by Bernie V. Franco
Dec 22, 2021
Philippine cinema kontrabida Ruel Vernal
Ruel Vernal is one of the well-known and reputed antagonist in Philippine cinema since 1970s. But why did Ruel suddenly disappeared from the limelight in 2000? Where is he now? Will he make a showbiz comeback?
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Nagmarka bilang kontrabida ng Philippine cinema ang veteran actor na si Ruel Vernal mula dekada ‘70s hanggang early 2000.

Sa higit tatlong dekada niya sa showbiz, nakagawa siya ng maraming pelikula.

Karamihan dito ay bilang antagonist sa movies na pinagbidahan ng mga pinakamalalaking bituin ng kanyang henerasyon.

Nagkontrabida si Ruel sa maraming pelikula ni Fernando Poe Jr., tulad ng Asedillo (1971), Iyo Ang Tondo Kanya ang Cavite (1986), Muslim .357 (1986).

Siya ang nagpahirap kay Hilda Koronel sa Insiang, ang 1976 award-winning film ni Lino Brocka.

Karamihan sa mga kontrabida roles niya ay serious-action o comedy action.

Naging mukha rin siya ng Red Horse Beer at brand ng electric fan noong '80s.

Trademark ni Ruel ang kanyang bigote.

Ruel Vernal

Continue reading below ↓

Pero sa pagtatapos ng '90s at pagpasok ng 2000, lumamlam na ang career ng pamosong kontrabida sa Philippine cinema.

Si Ruel ay 75 anyos na ngayon at naninirahan na sa Florida sa United States, kasama ang kanyang anak na si Kevin Vernal, na dati ring nag-artista.

Ano ang pinagkakaabalahan ngayon ni Ruel sa U.S.?

May balak pa ba siyang bumalik sa Pilipinas at magbalik sa pag-aartista?

Nakapanayam namin ang anak ni Ruel at nakakuha ng update tungkol sa buhay ngayon sa Amerika ng kilalang kontrabida.

Ruel Vernal update

Continue reading below ↓

RUEL BROTHERS IN THE U.S.

Sa pamamagitan ng tawag, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang anak ni Ruel na si Kevin, 40, noong Huwebes, December 16, 2021.

Bukod kay Kevin, nag-artista rin noon ang kuya niyang si Mark Vernal, 42.

Mula mid-'90s hanggang early 2000s, napanood sina Mark at Kevin sa mga TV shows at pelikula ng ABS-CBN.

Si Kevin ay nakasama rin sa mga TV shows sa GMA-7.

Kuwento ni Kevin, nang iwan ng kanyang kuyang si Mark ang showbiz, pumunta ito sa U.S. bandang 2004-2005.

Naging sundalo siya ng U.S. Army.

Pagsapit ng 2006, sumunod si Kevin sa Amerika. Pinasok din ang pagsusundalo sa U.S. Army.

Kevin Vernal Mark Vernal

Continue reading below ↓

Kevin Vernal (left) with older brother Mark.

Sina Mark at Kevin ay mga American citizens dahil ang kanilang ina—si Marie Bartley—ay isa ring American citizen.

Si Marie ay anak ng kilalang aktres noon na si Lourdes Yumul.

“Kuya ko, si Mark, he loves show business,” kuwento ni Kevin sa PEP.

“For me, show business is only for fun, for play. It’s not a career for me.”

“Si Mark is still in the army. Ako, I’m retired when I was 32. I’m 40 now.

“I don’t work anymore, I’m retired.”

Pagbabahagi ni Kevin, isa siyang investor at nabanggit niya sa interview ang tungkol sa venture niya sa “stocks,” “assets,” at “good investments.”

Ang prinsipyo niya pagdating sa finances, “I don’t wanna work for money, I want my money working for me.”

Sa kuwento ni Kevin, hindi na siya interesado na makabalik sa showbiz.

Kabaliktaran naman daw ang gusto ni Mark.

“Yung kuya ko kasi he loves show business. ‘Tapos he wants to go back to show business.

Continue reading below ↓

“Yun ang plan niya someday after the military.”

Sa Hawaii raw nakadestino ngayon si Mark.

Kevin Vernal

Mark Vernal

Continue reading below ↓

RUEL VERNAL GETS PETITION TO LIVE IN THE U.S.

Nang nagsisilbi ang magkatapid sa U.S. Army, naiwan ang kanilang amang si Ruel sa Pilipinas, sinustentuhan siya ng magkapatid.

Noong mga panahong iyon, tumatamlay na ang career ng veteran actor.

Sabi ni Kevin, “Alam mo naman if you’re veteran in the Philippines, pag wala kang mga connections or anything, they don’t give a shit about you.

“Pag laos ka na, you’re done. That’s how show business is in the Philippines.

“Unlike sa Hollywood, pag tumatagal ka, nagkakaroon ka ng net worth.

Nagdesisyon si Kevin na ipetisyon ang amang si Ruel sa U.S.

“If I’m not mistaken nakapunta siya ng U.S. around 2009 or 2010.”

May mga napapanood at nababasa raw si Kevin sa social media na sa Washington, D.C. nakatira ang ama.

Pero aniya, lumang balita iyon.

Binanggit sa amin ni Kevin na may mga lumalapit sa kanyang ama para ma-interview, pero hindi interesado ang batikang aktor.

Continue reading below ↓

Kasama ni Kevin ang ama sa binili niyang bahay sa U.S.

Ani Kevin, ini-enjoy ngayon ni Ruel ang kanyang buhay doon na malayo sa limelight.

Kuwento ni Kevin, “I see him every day. Nanonood siya ng YouTube, yung mga old movies, like yung movies niya, like Tito Fernando [Poe], Insiang. I see it.

“Every day he goes to the gym. That’s his passion right now. He goes to the gym. He’s fit. Super fit.

“Mahilig siyang magluto.”

Continue reading below ↓

RUEL VERNAL’S DEATH HOAX

Lahad ni Kevin nagkalat din ang fake news tungkol sa ama sa social media.

Nitong pandemic, ipinakilala ni Kevin sa ama ang Voltes V. Avid fan kasi ng sikat na classic anime si Kevin.

Binigyan ni Kevin ang ama ng Voltes V action figure, kinunan ng larawan, at ipinost ito sa social media.

“Kumalat ngayon yung picture na iyon, yung Voltes V. So, people think na he’s a collector.

Paglilinaw ni Kevin, “No, he’s not a collector. But people misinterpret that they think he’s a collector as well.”

Ani Kevin, siya ang collector ng action figures. Patunay raw ito na lantaran ngayon ang fake news.

Ruel Vernal Voltes V

Continue reading below ↓

“That’s social media. That’s social marketing. Sabi ko nga sa mga kaibigan ko, ‘Whatever you see in a video in a photo, wag ka mag-judge agad. You gotta do your research.’”

Naging biktima rin ng death hoax si Ruel, na ikinadismaya ni Kevin.

“May one time pa nga sinabi patay na ang dad ko. What the fuck! 'Si Ruel Vernal akala ko patay na iyan,' yung ganoon.

“Kumalat na pala, kaya naglabas ako ng video na nagwo-work out siya, e. I think nasa 20,000 ata o hundred thousand views right away.”

Ipinost ni Kevin ang work-out video ng ama noong April 2020.

Ruel Vernal workout

Continue reading below ↓

Banat ni Kevin sa fake news peddlers, “Nananahimik kami sa Amerika gumagawa kayo ng story.”

RUEL VERNAL’S DISAPPOINTMENT WITH SHOWBIZ

Kuwento ni Kevin, hindi galit ang kanyang ama sa showbiz.

“He’s just disappointed because he’s not getting any job.

"Kukuha ka ng bata na hindi marunong umarte or ng artistang hindi marunong umarte, you can pay this person not much.”

Ani Kevin, kaya nilang suportahan at bigyan ng maginhawang buhay ang ama sa Amerika kaya iyon ang ginawa nila.

“So, that’s what I told my dad. I said, ‘Dad, you’re getting old. And it’s hard for you to get a job.’"

Kahit daw wala siyang proyekto, tiniyak ng magkapatid na matiwasay ang buhay ng kanilang ama kahit noong nasa Pinas pa ito.

KEVIN, ON TAKING CARE OF HIS DAD RUEL

Dahil senior citizen na ang kanilang ama, ito naman daw ang oras para alagaan siya nina Kevin at Mark.

“Pag matanda ka na, ikaw na yung mag-aalaga sa parents mo. That’s how life works.

Continue reading below ↓

“It’s my turn. I told my dad, ‘You’re not doing shit anymore. You’re not wasting your fuckin’ life. You come here in the U.S. It’s much cheaper to live here than send money over there.'"

Bukod sa matitirhan, binilhan din ng kotse ni Kevin ang ama.

“Ang ano ko lang sa kanya, ‘Ikaw mag-baby sit sa anak ko.’ And he said, ‘Okay.’ Yung mga apo niya.”

Ani Kevin, dalawa ang kanyang anak, 15 anyos na lalaki at 12 anyos na babae.

“Si Mark nagkaroon ng baby recently. He just had a baby. First baby. Forty-two na siya nagkaroon ng first baby.”

“So, he [Ruel] has three grandkids.”

Noon lamang daw October, nagkita-kita sina Kevin, Mark, Ruel, at ang kanilang ina.

Hiwalay na ang mga magulang ni Kevin, pero nananatili silang mabuting magkaibigan.

“Everything is fine. My mom’s happy, my dad’s happy. Everyone,” paniniguro ni Kevin.

Minsan daw ay natanong ni Kevin ang ama kung nami-miss nito ang Pilipinas. “Sabi niya, I miss it.’

Continue reading below ↓

“Miss mo yung work mo, ‘Sometimes I miss it, of course. Sino ba naman [hindi]?’”

Simula raw nang lumipad sa U.S. si Kevin noong 2006, hindi pa siya nakakabalik ng Pilipinas.

Ani Kevin, “Ang last kong nakita diyan was ginagawa pa lang yung Mall of Asia. Tinatabunan pa lang nila. That’s the last time I remember.”

RUEL’S LIFE NOW

Inilarawan ni Kevin ang pamumuhay ang kanyang amang si Ruel sa Amerika.

“He’s living his life here. He loves it here.”

“Si Daddy, he just works out. He watches TV every day. So, that’s his thing.

“He likes to travel, likes to drive, he likes to go to the beach. That’s him.

“I bought him a nice hybrid car kasi mahilig siyang magliwaliw.

Continue reading below ↓

“I think he’s 75-76. So, for me, ang sabi ko sa kuya ko, 'Let him enjoy his life. Let him f*ckin’ enjoy. Why does he need to go to the Philippines and work?’”

ON PLANNING TO GO BACK TO PH

Nabanggit ni Kevin bago magkapandemya, pinag-iisipan na ng ama niyang bumalik sa Pilipinas.

Pero bago nila magawang makauwi, tumama ang pandemya.

Pero balak daw nila itong ituloy magkatapos ng pandemya at kapag nagpalit na ng administrasyon.

Sinabihan daw ni Kevin ang ama na magpatayo sila ng bahay sa Zambales, ang hometown ni Ruel.

Sabi raw ni Kevin sa ama, “Magpatayo tayo ng bahay doon, yung sa ating dalawa lang.

“Kasi yung mga anak ko nasa college na by that time. Hindi na natin kailangang mag-showbiz na. Hindi na natin kailangang makipag-compete sa mga artista.”

Maging si Kevin, hindi rin daw eager na magbalik-showbiz.

Aniya, “I don’t hate them, but I don’t like show business. It’s not for me.

Continue reading below ↓

“Show business hates me kasi pasaway ako, e.

“You call Mark, he wants to go back," pagtukoy sa kanyang kuya.

“I’ll just stay here in America and someday I go to the Philippines pag okay na yung COVID [situation] diyan.”

Nilinaw rin ni Kevin na hindi siya galit sa industriya kaugnay ng sinapit ng kanyang ama pagdating sa kanyang karera.

“He’s [Ruel] disappointed. I’m the one who’s mad,” sabi ni Kevin.

“Hindi ako galit sa showbiz. Galit ako sa point na, ‘Bakit ka nagsi-stay sa Philippines if you don’t have a job?’"

Ito raw ang pangunahing konsiderasyon nila noon ni Mark para pasunurin sa Amerika ang ama.

“Kasi wala na siyang gagawin diyan. E, ano pang gagawin niya?”

Kung sa pagbabalik daw ng ama sa Pilipinas at nais niyang tumanggap ng trabaho ay hindi nila ito pipigilan.

“If he wants to go back to the Philippines and do show business for passion, yung past time na lang, go ahead do it.

Continue reading below ↓

“Yung past time mo na lang. Pero kung gagawin mo siyang career, you’re just gonna waste your time.”

Ang hangad daw ni Kevin para sa ama ay i-enjoy na lang niya ang buhay nito.

Sabi raw ni Kevin sa ama, “Dad, you have like twenty years here in the planet. Enjoy your twenty years.

“Don’t f*ckin work anymore. Enjoy your life.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruel Vernal is one of the well-known and reputed antagonist in Philippine cinema since 1970s. But why did Ruel suddenly disappeared from the limelight in 2000? Where is he now? Will he make a showbiz comeback?
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results