Si Tirso Cruz III ang nanalo bilang best supporting actor sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival. Binigyan ng parangal si Pip (palayaw ni Tirso) para sa kanyang pagganap sa pelikulang Honor Thy Father.
Nagpasalamat si Pip sa lahat ng taong kasama sa cast at production ng nabanggit na pelikula at siyempre pa sa kanyang asawang si Lyn na nagkamali pa siyang tawaging "wings beneath my wings." Itinama naman agad ng magaling na singer-actor ang sarili at sinabing "wind beneath my wings" nga ang kanyang asawa.
At siyempre pa, pinasalamatan din ni Tirso ang Panginoon para sa "ipinahiram" sa kanyang talento.
For more videos, CLICK HERE.