Taong 2007, unang pumalaot sa pelikula ang komedyanteng si Vice Ganda sa pamamagitan ng Apat Dapat, Dapat Apat, kunsaan si Wenn Deramas ang direktor.
Pag-alala pa ni Vice noon, “Yung pelikula ko na pagkaabot sa akin ng script, walang laman.
“Walang laman yung script dahil noon pa man, ipinaramdam na niya sa akin ang tiwala niya dahil sabi niya, ‘Bahala ka kung ano gusto mong sabihin.’
Bukod sa Apat Dapat, Dapat Apat (2007), nagkasama rin sina Vice at Direk Wenn sa mga pelikulang Petrang Kabayo (2010), The Unkabogable Praybeyt Benjamin (2011), This Guy’s In Love With U Mare (2012), Sisterakas (2012), Girl Boy Bakla Tomboy (2013), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), at Beauty and the Bestie (2015).Ang lahat ng ito ay tumabo sa takilya kaya naman tinagurian si Direk Wenn bilang box-office director, samantalang Asia's Phenomenal Superstar naman ang naging bansag kay Vice.
PEP Live











