Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Xian Lim, walang balak magpatalo sa rejection at pagsubok

by Jojo Gabinete
Jul 25, 2018

Nabahala ang supporters ni Xian Lim sa recent intriguing Instagram post niya na may kinalaman sa rejection.

Pero ilang araw bago nangyari ito, nagsalita na ang aktor tungkol sa isyu.


Without going into details, sa kabila ng stature niya ngayon sa entertainment industry, inamin ni Xian na nakararanas siya ng mga rejection.

Continue reading below ↓

Pahayag niya sa Cabinet Files, "Kahit anong gagawin mo sa buhay, you will face a lot of rejections, a lot of people saying negative things about you.

"It’s part of it, kung yun pa lang, tatalikuran mo, wala kang mararating.

"Napakaraming rejections, mas marami ngayon. It never goes away.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Maski nagsisimula ka pa lang, nasa ganitong point, marami ka pa ring questions.

"Ang dami pa ring doubts. Ang dami pa ring insecurities.

"But hindi puwedeng talikuran iyan. It’s always gonna be there."

Wala raw plano si Xian na magpatalo sa mga pinagdaraanang rejection at pagsubok.

Hindi raw nagpapaapekto si Xian sa popularity na tinatamasa nito sa kasalukuyan dahil ang pagmamahal sa natupad na pangarap na maging aktor ang pinahahalagahan niya.

"Hindi ko masyadong iniisip.

"Feeling ko, kapag masyadong iniisip, nakakabaliw ee.

"I guess, para sa akin, I can’t speak for other people, I just stay hungry, mahal ko itong ginagawa ko.

Continue reading below ↓

"It’s not something na parang punta tayo dito, sige na nga, anong meron diyan… hindi ganoon.

"It’s more na mahal ko ito. I feel at home. I feel happy. I feel happy here.

"I feel like a fish sa tubig… I feel very at home."

Dagdag pa niya, "There’s no bucking down away.

"If you’re doing it for the money, mabilis lang yung pag-stay mo.

"But if you’re doing it for love, in my case, this is what makes me happy.

"Ito po yung malapit sa puso ko, to be able to speak to a lot of people.

"Nung hindi pa ako nakakapasok sa industriya, ang goal ko lang noon para makita sa TV, maski two seconds lang na madaanan ng kamera, gusto kong masabi na, 'Uy, nasa TV ako.'

"But once I took classes for acting, na-in love na ako sa showbiz."

Ang Filipino adaptation ng Korean blockbuster movie na Miss Granny, na mapapanood sa mga sinehan sa August 22, ang unang pelikula ni Xian Lim sa Viva Films mula nang iwanan niya ang Star Magic at lumipat siya sa Viva Artists Agency.

Continue reading below ↓

Isang record producer ang role ni Xian sa pelikulang pinagbibidahan ni Sarah Geronimo.

Para kay Xian, isang huge blessing na makatrabaho niya si Sarah sa isang movie project.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Xian Lim
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results