Born To Be A Star, magbabalik; Matteo Guidicelli, Kim Molina napiling hosts

by Jojo Gabinete
Jan 6, 2021
Sina Matteo Guidicelli at Kim Molina ang maghu-host ng nagbabalik na Born To Be A Star, ang singing search ng Viva Television at TV5.
PHOTO/S: Viva Television

Makalipas ang limang taon, muling ibabalik ng Viva Television at TV5 ang Born To Be A Star, ang reality-singing competition na may layuning makatuklas ng mga bagong mang-aawit.

Sina Ogie Alcasid, Mark Bautista, at Yassi Pressman ang former hosts ng Born To Be A Star na napanood sa Kapatid Network mula February 2016 hanggang May 29, 2016.

Para sa 2021 edition ng Born To Be A Star, sina Matteo Guidicelli at Kim Molina ang bagong hosts.

Sina Sam Concepcion, Katrina Velarde, Teacher Georcelle Sy, at Andrew E. ang mga hurado.

Sa January 23, 7 p.m., ang primer airing ng Born To Be A Star.

Magsisimula naman sa January 30 ang search proper ng programang mapapanood tuwing Sabado, sa nabakanteng timeslot ng Masked Singer Pilipinas.

Napansin ang rapport at chemistry nina Matteo at Kim nang maging hurado sila sa Masked Singer Pilipinas kaya sila ang napiling mga host ng Born To Be A Star.

Continue reading below ↓

Malaki ang dapat ipagpasalamat ng dalawa dahil mula sa pagiging hurado, elevated sila bilang mga host ng nagbabalik-telebisyon na reality-singing competition ng Kapatid Network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Matteo Guidicelli at Kim Molina ang maghu-host ng nagbabalik na Born To Be A Star, ang singing search ng Viva Television at TV5.
PHOTO/S: Viva Television
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results