LOOK: Celebrity Christmas 2021 family photos

by Jojo Gabinete
Dec 25, 2021
Dingdong Dantes
Marian Rivera
Zia Dantes
Ziggy Dantes
Napaka-adorable ng Christmas photo nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, with kids Zia and Ziggy. (@dongdantes on Instagram)

Totoo ang kasabihang "a picture is worth a thousand words," at pinatunayan ito ng mga larawang makikita sa mga social media account ng mga local celebrity na ibinahagi nila ngayong araw ng Pasko.

“Modern family" ang caption ni Pops Fernandez sa larawan nila ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera, kasama ang kanilang mga anak na sina Robin at Ram, pati na si Katrina Ojeda, ang ex-live in partner ng Concert King at ang anak nitong si Santino.

Pops Fernandez
Martin Nievera
Robin Nievera
Ram Nievera
Katrina Ojeda

Continue reading below ↓

Maituturing din na modern family ang Christmas family picture nina Dra. Vicki Belo, Hayden Kho, Jr. at ng kanilang anak na si Scarlet Snow dahil kasama nila si Atom Henares, ang asawa nito at ang direktor na si Quark Henares.

Vicki Belo
Hayden Kho Jr.
Scarlet Snow Belo

Continue reading below ↓

Si Atom ang dating asawa ni Vicki at si Quark ang isa sa kanilang dalawang anak. Wala sa larawan si Cristalle na may sarili nang pamilya na kasalukuyan na naninirahan sa Australia.

Pasok din sa modern family category ang Christmas family picture ni Vice Ganda at ng live-in partner niyang si Ion Perez dahil tanggap na tanggap ng pamilya ng TV host-comedian ang same-sex relationship nila ng kanyang boyfriend.

Vice Ganda
Ion Perez

Continue reading below ↓

Ang Christmas family pictures naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Alfred at Yasmine Vargas ang magandang halimbawa ng isang ideal family dahil habang tumatagal, lalong tumitibay ang kanilang mga pagsasama.

Marian Rivera
Dingdong Dantes
Zia Dantes
Ziggy Dantes

Alfred Vargas 
Yasmine Espiritu

Continue reading below ↓

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinagdiwang nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang Pasko bilang mga mag-asawa.

Jessy Mendiola
Luis Manzano

Dennis Trillo
Jennylyn Mercado

Continue reading below ↓

Nagpakasal sina Luis at Jessy noong February 21, 2021 samantalang naganap ang pag-iisang dibdib nina Dennis at Jennylyn noong November 15, 2021.

Bakas naman sa mukha nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang genuine happiness sa Christmas photos na ibinahagi ng aktor sa kanyang social media followers.

Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli

Continue reading below ↓

Ito ang ikalawang Pasko na ipinagdiwang ni Sarah sa piling ng pamilya ng asawa niya.

Isang proud single mother si Jaclyn Jose sa Christmas picture nila ng kanyang anak na si Andi Eigenmann at ng tatlong apo niya.

Jaclyn Jose
Andi Eigenmann
Ellie Eigenmann

Continue reading below ↓

Si Pasig City Mayor Vico Sotto na lamang ang nananatiling single sa tatlong anak ni Coney Reyes dahil may pamilya na ang kanyang mga kapatid na sina LA at Carla sa Christmas family photo na makikita sa Instagram account niya.

Pasig Mayor Vico Sotto (right) with mom Coney Reyes (seated), with siblings

Continue reading below ↓

May kurot sa puso ang Christmas family photo ni Tirso Cruz III dahil habambuhay nang dadalhin ng pamilya niya ang pangungulila sa kanyang panganay na anak na si TJ na sumakabilang-buhay noong November 2018.

Tirso Cruz III with family

Ang larawan ni Lyn habang hawak nito ang heart-shaped urn na naglalaman ng abo ni TJ ang patunay na kailanman, hinding-hindi malilimutan ng kanilang pamilya ang anak niyang namayapa.

Continue reading below ↓

Isang pambihirang karanasan para kay Ai-Ai delas Alas na ipagdiwang sa Amerika ang Pasko na tanging sila lamang ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan ang magkasama dahil nasanay na siya na kapiling ang mga anak niya sa araw ng pagsilang ni Hesus Kristo.

Gerald Sibayan
Ai-Ai delas Alas

Continue reading below ↓

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.


We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napaka-adorable ng Christmas photo nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, with kids Zia and Ziggy. (@dongdantes on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results