Cynthia Villar ayaw pansinin ang sumamo ng medical frontliners na ibalik sa ECQ ang NCR

by Jojo Gabinete
Aug 1, 2020
Cynthia Villar sa panawagan ng 80 medical societies na ibalik sa ECQ ang NCR: "Hindi puwedeng isara ang ekonomiya..." Sinabi rin ng senador, "Pagbutihin nila ang trabaho nila."
PHOTO/S: Cynthia Villar on Facebook

Hindi pabor si Senator Cynthia Villar sa rekomendasyon, pakiusap, at panawagan ng iba’t ibang samahan ng medical frontliners na ibalik ang Kamaynilaan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Nakakabahala ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, at sa National Capital Region ang pinakamataas ang bilang.

"Hindi na siguro," sagot dito ni Senator Villar, sabay dagdag, "Pagbutihin nila trabaho nila."

Sabi pa ng senadora, "Hindi puwedeng isara ang ekonomiya kasi kung hindi naman mamamatay sa COVID, mamamatay naman ng gutom ang mga tao.”

Sagot ito ni Villar nang tanungin kung pabor siyang pagbigyan ang pakiusap ng medical frontliners, sa isang radio interview ng DWIZ ngayong araw, August 1, 2020.

Sa isang bukas na liham, ipinarating ng 80 medical societies ang panawagang ibalik sa ECQ ang Metro Manila mula August 1 hanggang August 15 dahil nasa maximum capacity na ang healthcare system ng bansa.

Ipinaabot ng nagsanib-puwersang mga health organizations ang liham kina Presidente Rodrigo Duterte, COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., at Health Secretary Francisco Duque III.

Continue reading below ↓

"Healthcare workers are united in sounding off a distress signal to the nation—our healthcare system has been overwhelmed.

"We are waging a losing battle against COVID-19, and we need to draw up a consolidated, definitive plan of action," sabi ng bahagi ng liham.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“We propose the ECQ be used as a timeout," paliwanag nito, "to refine our pandemic control strategies addressing the following urgent conditions or problems: hospital workforce efficiency, failure of case finding and isolation, failure of contact tracing and quarantine, transportation safety, workplace safety, public compliance with self-protection, social amelioration.”

Ang Philippine College of Physicians vice-president, Dr. Maricar Limpin, ang isa sa mga nagpahayag ng saloobin ng medical frontliners.

"Kung hindi ho natin mapipigilan ay talaga hong masisira ho ang hospital system po natin.

"Tandaan po natin, kami po sa mga ospital ang pinakahuling-huling depensa pagdating ho sa pag-aalaga ng kalusugan ng mamamayang Pilipino," ang sabi ni Limpin sa Zoom conference nitong Sabado ng umaga, August 1.

Continue reading below ↓

"Kung kami po ang bibigay, sino na po ang mag-aalaga sa inyo?

"Ang aming sinasabi just does not reflect yung bed capacity. Pero dapat ho nating maintindihan na marami po sa healthcare workers po ay naaapektuhan na rin, nai-infect with COVID-19.

"And a number of them, nalalagay ho sila sa ICU [Intensive Care Unit], at nalalagay rin sila sa respirator.

"At nitong mga nakaraang linggo, nakakakita po kami ng mga namamatay—so kumakaunti po kami dahil sa dami ng infections.

"Marami sa amin ang na-i-infect, may mga namamatay pa po, so hindi ho namin kakayanin na kami na lang, na palagi naming makikita ang ganitong sitwasyon sa pang-araw-araw."

Apela ni Dr. Limpin, "Tulungan niyo po kami, ayaw naming bumigay, pero kapag hindi ho nabigyan ng karapatang measure para ma-tighten up ho muli natin ang community quarantine...

"We are just asking for a time out."



Pagsusumamo pa ng duktora, "Kung baga sa basketball, two minutes, two weeks ho lang, ang hinihingi namin para makahinga ho kami, at makapag-isip ho tayo para paano ba natin talaga makokontrol ang spread ng infections na ito.

Continue reading below ↓

"So with that, we appeal to the president, we appeal to Secretary Galvez, we appeal to Secretary Duque, please heed our call.”

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cynthia Villar sa panawagan ng 80 medical societies na ibalik sa ECQ ang NCR: "Hindi puwedeng isara ang ekonomiya..." Sinabi rin ng senador, "Pagbutihin nila ang trabaho nila."
PHOTO/S: Cynthia Villar on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results