Director Darryl Yap hindi naniniwalang laos na ang mga bida niya sa Pornstar

by Jojo Gabinete
Jan 9, 2021
Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar main cast(L-R) Ara Mina, Rosanna Roces, Alma Moreno, and Maui Taylor, together with director Darryl Yap.
PHOTO/S: PR

Kahapon, January 8, 2020, ang 34th birthday ng promising movie director na si Darryl Yap.

May nararamdaman daw itong pressure dahil ang kanyang pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging #Pornstar ang maiden offering ng Viva Max, ang subscription video-on-demand streaming service ng Viva Communications Inc.

Si Darryl ang direktor ng phenomenal blockbuster na Jowable, ang launching movie ni Kim Molina, at ang Pornstar ang kanyang second movie project na umani ng mahigit sa four million views in 20 hours sa lahat ng social-media platform mula nang i-release ang trailer.

Grateful si Darryl sa Viva, "I am truly honored, saying na pressured ako, e, normal na po, pero higit sa pagtupad sa expectations, sobrang nakaka-humble po na ganito ang plano ng Viva at matindi ang pagtanggap ng publiko sa trailer ng Pornstar.

"Dahil sa tiwala at patuloy na pagsugal ng Viva sa akin, parang birthday ko araw-araw. Magkahalo na kaba at excitement ang nararamdaman ko.

Continue reading below ↓

"Masaya po ako na gawa ko ang unang offering ng Viva Max at bukod sa galak, hindi po natatapos magpasalamat,” ang pahayag ni Darryl sa Cabinet Files habang nagdiriwang siya ng kanyang kaarawan sa Balesin island.

Ang mga former sexy actresses na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor ang mga bida.

Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, Maui Taylor

Continue reading below ↓

Taong 1970s at 80s nang namayagpag ang karera ni Alma bilang aktres at leading lady. Nakilala ito sa pagganap niya bilang Mrs Eva Fonda, 16 (1976), Dyesebel (1978), at Bomba Star (1978).

Si Rosanna naman ay nakilala sa mga pelikulang Ligaya ang Itawag mo sa Akin (1997), Curacha: Ang Babaeng walang Pahinga (1998), Ang Lalaki sa Buhay ni Selya (1999), at La Vida Rosa.

Si Ara naman ay naging favorite leading lady noong 2000s, at nagkasama sila ni Maui, kilalang Viva Hot Babe, sa pelikulang ANg Huling Birhen sa Lupa.

Tungkol sa apat na ex-bold stars na naging mentor ng mga bagong sexy stars ang kuwento ng Pornstar, na ipinapakilala rin sina AJ Raval, Ana Jalandoni, at Rose Van Ginkel.

Sa trailer ng pelikula, ipinakita na sinusumbatan nina Alma at Rosanna na laos na ang isa’t-isa, at pinatotohanan ito ng hysterical character ni Ara.

Naranasan nina Alma, Rosanna, Ara, at Maui na maging mga sex symbol noong kapanahunan nila, pero ngayong hindi na sunud-sunod ang kanilang mga project, hindi naniniwala si Darryl na laos na ang mga bida ng Pornstar o ang mga artista na hindi na aktibo sa industriya.

Continue reading below ↓

"Naniniwala po ako na walang laos, may kanya-kanya lamang na pagkakataon at panahon. Kung hindi man sing-aktibo, yun ay hindi dahil lumipas na sila kundi nagbibigay-daan lamang sa bago.

"Isinulat at ginawa ko na pelikula ang Pornstar dahil gusto ko lamang magbigay ng totoong kuwento mula sa mga pinakatotoong artista.

"Sila ang mga nagsimula ng sexy films. Naniniwala ako sa kanilang tapang at kalibre,” ang inspirado at masayang sabi ni Darryl dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa wacky trailer ng Pornstar, na mapapanood simula sa January 29, 2021.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar main cast(L-R) Ara Mina, Rosanna Roces, Alma Moreno, and Maui Taylor, together with director Darryl Yap.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results