Daryl Ong, tumaas ang respeto sa mascots dahil sa Masked Singer Pilipinas

by Jojo Gabinete
Jan 6, 2021
daryl ong 2-2-b
Daryl Ong on his Masked Singer Pilipinas costume: "Ako si 2-2-B. Ang naging challenge sa akin, yung pakpak saka buntot. Medyo ang hirap maglakad nang may naka-strap na malaking props na buntot, pero ang gandang learning experience."

Si Daryl Ong ang grand winner ng kauna-unahang Masked Singer Pilipinas ng Viva Television at TV5.

Ikinuwento ng singer ang mga karanasan niya sa naturang contest nang ipakilala siya bilang pinakabagong contract singer ng Viva Records nitong Miyerkules ng hapon, January 6.

Sinabi ni Daryl na hindi siya nagdalawang-isip sumali sa Masked Singer Pilipinas dahil pinanonood niya ang U.S. version ng programa.

"Nung ma-invite ako na sumali sa Masked Singer Pilipinas, tinanggap ko agad kasi napapanood ko yung U.S. version, The Masked Singer.

"Grabe yung mga sumasali, talagang... kumbaga, sikat sila sa States.

"So, nung na-invite ako, sabi ko, manalo o matalo, game ako diyan. Saka masaya, e.

"Before, I was a cartoonist and medyo talagang fan ako ng mga visual art. Yung idea na naka-costume, gusto ko siya.

"Ako nga dati, gusto kong mag-design ng mga costume. Feeling ko, mag-e-enjoy talaga ako rito," kuwento ni Daryl.

Nagulat ang singer dahil hindi niya inakalang mahirap magsuot ng costume.

Continue reading below ↓

“Hindi ko alam na challenging pala. Tumaas yung respeto ko sa mga nagma-mascot, yung sa mga fastfood.

“Ang hirap pala. Medyo mainit, especially yung ibang mga character.

"Kasi ako si 2-2-B. Ang naging challenge sa akin, yung pakpak saka buntot.

"Medyo ang hirap maglakad nang may naka-strap na malaking props na buntot, pero ang gandang learning experience.

“Para siyang workshop in a way. Ang feeling ko, kailangan siya ng isang artist para magkaroon ng reassurance kasi hindi biased yung comments ng judges.

"They had no idea who we were. Kung anuman yung sinasabi nila, based talaga sa performance at boses namin.

"For me, ang laking nadagdag niya sa confidence ko, sa sarili ko at, basically, sa boses ko as Daryl Ong na every time na nagpe-perform ako, dun ako excited," dire-diretsong sabi ni Daryl.

Bago sumali sa Season 2 ng The Voice Philippines noong 2014, nagtrabaho si Daryl bilang animator para sa mga programa ng ABS-CBN, ang Super Inggo at Super Tropa.

Continue reading below ↓

Nang mabanggit ang kanyang dating trabaho, may naramdamang guilt si Daryl dahil parang napabayaan nito ang isang side ng pagiging artist niya.

Pero umaasa siyang muling magkakaroon ng pagkakataong balikan ang pagiging animator.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daryl Ong on his Masked Singer Pilipinas costume: "Ako si 2-2-B. Ang naging challenge sa akin, yung pakpak saka buntot. Medyo ang hirap maglakad nang may naka-strap na malaking props na buntot, pero ang gandang learning experience."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results