Paghalay at pagpatay sa flight attendant, ikinagalit ng netizens; larawan ng mga suspects, ikinalat sa social media

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2021
Natagpuang wala nang buhay ang 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera sa bathtub ng kanyang hotel room sa Makati City noong January 1, 2021.
PHOTO/S: xtinedacera on Instagram

Maraming beses nang pinatunayan ng mga Pilipino ang pagiging sentimental at emosyonal.

Kaya hindi nakagugulat ang reaksiyon nila tungkol sa misteryosong pagkamatay ni Christine Dacera, ang 23-year-old flight attendant na natagpuang walang buhay sa isang kuwarto sa isang hotel sa Makati City noong January 1, 2021.

RELATED STORY

Sa initial investigation ng Makati Police, aneurysm ang sanhi ng kamatayan ni Dacera.

Pero sa official statement ng Philippine National Police (PNP) kahapon, January 4, nalutas na raw nila ang kaso ng panggagahasa at pagpatay sa biktima.

Dinakip nila ang mga suspek na sina John Pascual Dela Serna III, 27; Rommel Daluro Galido, 29; at John Paul Reyes Halili, 25.

Ang tatlo ang kasama ni Dacera sa New Year’s Eve party at sa oras ng kanyang pagkasawi. Sinampahan sila ng mga kasong rape at homicide.

Tinutugis din ng PNP ang siyam pang katao na itinuturing ding mga suspek dahil kasama rin sila ng biktima nang mangyari ang insidente.

Continue reading below ↓

Ang inilabas na pahayag ng PNP na nalutas na ang rape-slay case ni Dacera ang ugat ng paghihimagsik ng kalooban ng mga emosyonal na Pilipino.

Ginamit nila ang social media para kondenahin at manawagang patayin sa pamamagitan ng bitay ang mga suspek sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant, kahit walang death penalty sa ating batas.

Tulad ng dapat asahan, naging imbestigador ang ilang sumusubaybay sa kaso ni Dacera.

Trending mula kagabi hanggang sa mga oras na ito ang #JusticeForChristineDacera, #StopVictimBlaming, #ProtectDrunkGirls, #RapeIsRape, #MenAreTrash, #TangInaNyo, #DeathPenalty.

Trending din ang ang pangalan ng isa sa mga suspect dahil hairstylist ito ng mga kilalang artista.

Walang kawala ang mga suspect sa emotional and sentimental Filipinos dahil kahit deactivated na ang kanilang mga social media accounts at posts, nadiskubre pa rin ito ng mga netizens.

Pinagpasa-pasahan sa lahat ng social media platforms ang mga post na Make Their Names and Faces Known at ang mga larawan ng mga suspek.

Continue reading below ↓

Nalaman ng publiko na si Rommel Galido ay dating finalist ng "Mr. Pogi" ng Eat Bulaga! noong 2012 at grand finalist ng "Gandang Lalake" ng It’s Showtime noong 2014.

Mr. Pogi contestant Rommel Galido

Nadamay rin sa celebrated rape-slay case ang walang kamalay-malay na si Daniel Matsunaga dahil naka-post mula pa noong December 6, 2020 sa Facebook page ni Dacera ang kanilang litrato na kuha ng isa sa mga suspect na may caption na “Sorry girls.”

Continue reading below ↓

christine dacera with daniel matsunataga

May mga kababayan tayong nagkomento ng "Taena Daniel Matsunaga, mabulok ka sana sa kulungan" na may hashtag na #deathpenalty.”

May nagsabi naman ng “Hala? Isa ba ‘yan sa killer” "Kamukha nong ex ni Erich?" at nagtanong ng “Isa ‘yan sa rapist? Hayup na ‘yan, may kamukha pang artista. Mabubulok kaluluwa mo sa impyerno!!!”

Continue reading below ↓

Gaya ng madalas mangyari kapag uminit ang ulo ng netizens, nakikisawsaw ang mga ito sa isang sensitibong kaso kahit kulang ang kaalaman nila.

Kung nagpapatawa o nagpapa-cute man sila, hindi nakakatawa dahil ipinamamalas nila ang hangganan at kakitiran ng kanilang mga pang-unawa.

Nag-alok ng P100,000 na pabuya si ACT-CIS Party-list House Representative Eric Yap para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng ibang mga suspect sa pagkamatay ni Dacera.

Maganda ang motibo ni Yap, pero pinararatangan siya ng pakikisawsaw dahil mainit na pinag-uusapan ang kaso ni Dacera.

Kita at ramdam ang galit na galit ng mga Pilipino sa nangyari kay Dacera kaya hinusgahan na nila ang mga suspect, na naninindigang inosente sila sa kasalanang ibinibintang sa kanila.

Hindi masamang maging emosyonal pero dapat maging maingat ang lahat at gamitin na basehan ang mga aral na itinuro sa atin ng kasaysayan para hindi na maulit ang mga pagkakamali.

Huwag din ilagay sa kamay ang batas, kahit masakit ang katotohanang nabawasan ang tiwala at respeto ng mga Pilipino sa men in uniform dahil sa mga tiwaling miyembro at opisyal na nasasangkot sa iba’t ibang mga kaso.

Continue reading below ↓

Mahalaga ring palaging isaalang-alang ang “think before your click” para maiwasang madamay ang mga inosente dahil pinairal ng ibang mga tao ang pagiging iresponsable sa paggamit ng social media.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natagpuang wala nang buhay ang 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera sa bathtub ng kanyang hotel room sa Makati City noong January 1, 2021.
PHOTO/S: xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results