Online acting workshop ni Gladys Reyes, may participants abroad

by Jojo Gabinete
Aug 1, 2020
Sa second batch ng online acting workshop ni Gladys Reyes, meron itong participants from the U.S., France, Canada, and Norway.
PHOTO/S: @iamgladysreyes on Instagram

"Naloloka ako, ang una kong participant sa acting workshop, from France!” ang sabi ni Gladys Reyes sa phone conversation nito with Cabinet Files kagabi, July 31, 2020.

Hindi makapaniwala ang aktres na magiging “international” agad ang kanyang online acting workshop dahil mga aspiring actors na may Filipino blood na mula sa iba’t-ibang bansa ang mga estudyante niya.

Isang sorpresa rin para kay Gladys na natupad sa panahon ng coronavirus pandemic ang matagal nang plano niyang magkaroon ng ganitong workshop.

Tungkol sa enrollee mula France, sabi pa ni Gladys, "Siya ang unang nag-enroll. Hindi ko alam kung na-attract ba siya sa French family name namin na Sommereux.

"Hindi ko iniisip na may mga taga-ibang bansa na sasali, dahil ang mindset ko, dito lang sa Pilipinas ang mga magiging estudyante ko.”

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Natapos na ang unang batch ng workshoppers ni Gladys, at ngayon ay mula naman sa Norway, California sa U.S., at Canada ang kanyang mga tinuturuan.

"Nag-a-adjust ako sa time-zone difference. Dalawang sessions ako today, so meron akong 9:30 a.m., bale 7 p.m. iyon sa kanila.

"Hindi ko kaya ng isang session sila, so hinahati ko—five students each lang para mas nakikita ko, natututukan ko. Ang minimum is two hours per session.

"Second batch na ako ngayon ng klase, natapos ko na yung first ten students. Nag-recital na kami.

"Itong second batch, pinagsusunod-sunod ko ang araw ng klase. Hindi ko puwedeng patagalin kasi nga babalik na sila sa pag-aaral, sa school,” ang kuwento ni Gladys na excited sa bagong career niya bilang acting teacher.

"Hindi ko talaga akalain na magkakaroon ako ng mga estudyante from different parts of the world.

“Ginu-groupings ko sila, isinasama ko sila sa medyo articulate sa English kasi, para kapag nagbigay ako ng instructions, isahan na lang. Ang hirap kasi, parang may subtitle ako, e.

Continue reading below ↓

"Natatawa nga yung mga anak ko na puro fluent sa English. Natatawa sila kasi ngayon lang nila ako narinig na matagal magsalita ng English. Buong session, English talaga.

"Sanay kasi sila na Taglish ako sa bahay, pero siyempre kailangan ko talaga mag-English dahil sa mga estudyante ko mula sa ibang bansa.”

Bago nagkaroon ng katuparan ang online acting classes ni Gladys, nahasa muna siya bilang host ng MOMents, ang talk show niya sa Net25 mula pa noong 2007.

Naniniwala si Gladys na ang pagiging host niya sa MOMents ang naging paghahanda sa kanya ng Diyos para sa venture na itongnaisakatuparan sa panahon ng isang pandemic.

"Totoo. Sa gitna ng pandemic, ang daming walang trabaho, walang mapagkakakitaan, pero biglaan itong mga pagkakataon na ito.

"Minsan, lalo na kung artista ka, dependent ka lang sa taping, biglang aalisin sa iyo.

"Talagang may ipapakita ang Diyos sa iyo na, 'Teka, hindi lang iyan ang puwede mong gawin. Meron pang ganito.'

Continue reading below ↓

"Ang balak ko talaga, noong wala pang pandemic, sa Estela ang venue ng acting workshop ko."

Ang tinutukoy ni Gladys ay ang restaurant nila ng kanyang asawang si Christopher Roxas sa Sta. Lucia East Mall.

Sa pagpapatuloy ng aktres, "May food package dahil, after ng session, kailangan ng snacks. Parang ganoon ang plano ko noong una

"Pero may ibang balak si God, nagkaroon ng hindi inaasahan na pandemic.

“Nakakatuwa dahil maraming ibang opportunities pala. Hindi lang yung kikita ka ng pera, pati yung pag-give back.

"Yung mga natutuhan ko for thirty-six years bilang aktres, naise-share ko sa iba. At yung part naman ng proceeds, ipinapantulong ko sa ibang mga tao.

"Naniniwala kasi ako na charity begins at home,” ang pahayag ni Gladys, na ipinapaalala sa lahat na suportahan ang bagong online show, ang Pelikuwentuhan, na napapanood din sa Net25 tulad ng kanyang programang MOMents.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa second batch ng online acting workshop ni Gladys Reyes, meron itong participants from the U.S., France, Canada, and Norway.
PHOTO/S: @iamgladysreyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results