Optical Media Board, sasampahan ng reklamo ang mga nahuling namimirata ng MMFF 2020 entries

by Jojo Gabinete
Jan 4, 2021
Apat sa 49 suspects na namimirata ng mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2020 ang nasa kustodiya na ng Optical Media Board.

Pormal nang sasampahan ng reklamo ang mga akusado sa pamimirata o ilegal na pagkopya at pamamahagi sa mga pelikulang opisyal na kalahok sa 46th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang Optical Media Board (OMB) ang magsasampa ng administrative at criminal cases laban sa mga suspek, sa Quezon City Regional Trial Court, bukas ng umaga, January 5, 2021.

Apat sa mga suspek ang nasa custody na ng OMB.

Apatnapu’t siyam (49) naman ang bilang ng sasampahan ng criminal cases ng OMB.

Ito ay ang mga personalidad na nasa likod ng mga social media account na sangkot sa illegal streaming, downloading, at commercial distribution ng official entries sa MMFF 2020.

Ang Fan Girl, Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, at The Boy Foretold By The Stars ang tatlo sa sampung pelikula ng 46th MMFF na unang mga naging biktima ng piracy.

Dahil dito, agad nagbigay ng babala ang Viva Films na idedemanda nito ang sinumang mahuhuli na illegal na kumokopya at namamahagi sa Pakboys: Takusa.

Continue reading below ↓

Hindi nagkulang ang OMB sa pagbibigay ng babala sa publiko na isang krimen at paglabag sa batas ang online piracy.

Pero patuloy itong binabalewala ng mga movie pirate na nakaligtaang may ahensiya ng gobyerno na nagbabantay at sumusubaybay sa kanilang mga illegal na gawain.

"Ang pamimirata ay labag sa batas. Isumbong sa OMB ang mga namimirata. Mag-text sa 09173292568," paalaala sa publiko ni OMB Chair Christian "Agila" Natividad.

Kaisa ng OMB sa pagtugis sa mga movie pirate ang organizers ng Metro Manila Film Festival, ang MMDA, GMovies, UPSTREAM.ph, at ang lahat ng mga producer ng mga pelikulang kasali sa annual film festival.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apat sa 49 suspects na namimirata ng mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2020 ang nasa kustodiya na ng Optical Media Board.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results