Ricci Rivero, ipinalit kay Donny Pangilinan sa Sunday Noontime Live

by Jojo Gabinete
Jan 4, 2021
Ricci Rivero (left) on being a regular host of Sunday Noontime Live: "I'm just so grateful for the opportunity given to me because they trusted me to do something that I am not familiar of, and I just want to do everything I can to help the show and learn from them." Ricci will be replacing Donny Pangilinan (right).
PHOTO/S: Instagram

Ang 22-year-old basketball player na si Ricci Rivero ang ipinalit kay Donny Pangilinan bilang isa sa mga main host ng Sunday Noontime Live (SNL).

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Brightlight Productions, ang producer ng musical-variety show na napapanood tuwing Linggo sa TV5, tungkol sa biglang pag-alis ng anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan sa naturang programa.

Si Donny ang isa sa mga original host ng Sunday Noontime Live mula nang mag-umpisa ito sa telebisyon noong October 18, 2020.

Pero wala na siya sa opening credits ng show sa New Year’s presentation nito kahapon, January 3.

Missing in action din ang main host na si Piolo Pascual sa unang palabas ng SNL para sa 2021, kaya nakapagsalita ang kanyang co-host na si Maja Salvador na "umuwi na sana siya."

Regular guest performer si Ricci sa Sunday Noontime Live kaya itinuturing niyang isang malaking oportunidad na ma-elevate siya bilang main host at kapalit ni Donny.

Continue reading below ↓

"I'm just so grateful for the opportunity given to me because they trusted me to do something that I am not familiar of, and I just want to do everything I can to help the show and learn from them," pahayag ni Ricci sa Cabinet Files tungkol sa "promotion" na natanggap niya sa SNL.

Sa kabila ng pagkakaroon ng regular Sunday program, hindi matiyak ni Ricci kung tuloy-tuloy na ang kanyang showbiz career dahil sa commitment niya sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Saad niya, "As of now that’s something I’m not sure of because I still have one more year in the UAAP and we’ll see how it goes.

"But I’m thankful for all the blessings and learnings from this industry [showbiz]. It’s different from the industry I’m in tho’ there are similarities, but I’m just happy I’m learning so much things in showbiz."

May pressure ba siyang nararamdaman bilang kapalit ni Donny sa SNL?

Continue reading below ↓

"Yeah, for sure. But what they told me lang was to just enjoy and make the most out of this because Donny’s been a host for so long and I haven’t had any experience.

"So, there’s a big difference rin talaga but I’m learning."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricci Rivero (left) on being a regular host of Sunday Noontime Live: "I'm just so grateful for the opportunity given to me because they trusted me to do something that I am not familiar of, and I just want to do everything I can to help the show and learn from them." Ricci will be replacing Donny Pangilinan (right).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results