Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Xia Vigor, may wais quarantine tips sa kapwa kabataan

by Jojo Gabinete
Jul 1, 2020
Xia Vigor on staying productive amid COVID-19 pandemic: "I really think that learning from school, and the same time, learning from home is a really good combination."
PHOTO/S: @xiabernardo Instagram

Nagdiwang ng 11th birthday noong June 23 ang child actress na si Xia Vigor.

Dahil sa pinaiiral na general community quarantine, isang Zoom party ang naganap.

"I had a Zoom party.

"Meron akong friends na nag-arrange ng Zoom party for me, and I was so happy kasi nakita ko uli ang friends na matagal ko nang hindi nakikita at nakita ko uli sila through Zoom.

"Yung mommy ko, nilutuan ako ng mga favorite food ko.

"And I also want to thank my Viva family for making sure that I was happy on my special day," kuwento ni Zia.

Eksklusibong nakapanayam ng Cabinet Files si Xia via video call.

Ano ang kanyang birthday wish?

Sabi ni Xia: "Sana makita ko na uli ang grandma ko.

"I really wish that I can really see her soon again kasi sobra ko na siyang nami-miss, and medyo matagal na rin kaming hindi nakakauwi sa England.

Continue reading below ↓

"I also hope that everything will be back to normal, and I hope this pandemic will be over soon."

Ang pag-aaral ni Xia ang isa sa mga apektado ng COVID-19 pandemic dahil walang katiyakan kung kailan magiging ligtas ang pagpasok sa school ng mga kabataan.

Pero sa edad na 11, very mature ang opinyon niya sa mga bagay na matututunan sa tahanan habang sarado pa ang mga paaralan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I think it’s a good chance that we get to learn things at home.

"Aside from what we learn in school, we learn life skills, self-sustainability, pagga-gardening po, kasi I really think it’s important lalo na ngayong quarantine.

"We can also be creative or learn another language or we can also discover some talent na hindi natin alam na meron pala tayo.

"I really think that learning from school, and the same time, learning from home is a really good combination."

Ano naman ang mensahe mo sa mga kapwa mo bata na gustung-gusto nang lumabas ng bahay pero hindi pa pinapayagan dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases?

Continue reading below ↓

Sabi ni Xia, "I know the feeling dahil gusto ko na rin pong lumabas.

"I know na we have a lot of activities that we can do at home na talagang mae-enjoy natin aside sa paggamit ng cellphone.

"Yung mga bata na naka-quarantine ngayon, puro pagpo-phone ang ginagawa. Let’s show our parents na kaya rin po natin na maging productive.

"We can also make them happy with simple ways that we can do like sing a song for them."

Hiling ni Xia, sana ay gamitin ng ibang kabataan ang pagkakataon ngayong nasa bahay sila na mas ipamalas ang respeto sa mga magulang.

"Gusto ko lang i-share na marami po ang bata na nawawalan ng respect.

"Para po sa akin, importanteng-importante yung respect dahil nandiyan na po lahat—ang pag-respect sa parents, sa lahat ng mga culture, human being.

"Sana po sa mga kids, sana po, hindi mawala ang respect dahil marami akong nakikita na mga bata na wala nang respeto sa mga magulang nila," lahad ni Xia.

Continue reading below ↓

Patuloy niya: "Hindi po tama ‘yon. Sinasabi nga po ng iba na we will own the future. And how can we own the future kung pag-respect pa lang ay hindi pa natin ma-achieve?

"I’m not sure kung maha-handle natin ang future, kaya sana po, huwag nating iwala ang respect kasi importante po talaga siya."

Naniniwala rin si Xia na makakatulong ang pagkakaroon ng positive mindset para mapagtagumpayan ang hirap na dala ng pandemya.

"It’s really important po talaga to always keep ourselves healthy.

"Ang mga best advice po ngayon is to always pray so that we always have guidance from our heavenly father and let’s just pray na matapos na itong pandemic.

"Let’s always stay happy and positive."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xia Vigor on staying productive amid COVID-19 pandemic: "I really think that learning from school, and the same time, learning from home is a really good combination."
PHOTO/S: @xiabernardo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results