Pilot episode ng Dragon Lady, bumuga ba ng apoy sa ratings?

by PEP Troika
Mar 5, 2019
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network

JERRY OLEA: Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Marso 1, Biyernes, naka-18.1% ang It’s Showtime ng ABS-CBN.

Katapat nito ang Kapuso programs na Eat Bulaga! (11.0%), finale episode ng Asawa Ko, Karibal Ko (14.0%), at Inagaw Na Bituin (12.1%).

Nitong Marso 4, Lunes, naka-18.3% ang It’s Showtime sa Kantar Media, kontra sa 9.8% ng Eat Bulaga!, at 9.3% ng pilot episode ng Dragon Lady.

Waley pa sa pilot week ang mga bidang sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok sa bagong Kapuso telefantasya ngayong linggo sina Bea Binene, Derrick Monasterio, at Kristoffer Martin, pati na sina Leo Martinez, Isabelle de Leon, Denise Barbacena, Mosang, Carlene Aguilar, at Lorenz Martinez.

NOEL FERRER: Naku, mahirap katapat ang It’s Showtime pero tingnan natin kung makakaangat pa ang Dragon Lady kapag natapos na ang back story.

Good luck!!!

GORGY RULA: Ang nakuha kong rating ng Dragon Lady mula sa AGB NUTAM, nakapagtala ito ng 5.5%, kontra sa 5.8% ng It's Showtime.

Maliit lang ang diperensiya, pero siyempre, napakalaki na niyan sa Kantar Media.

Antabayanan natin ang ratings pag bumuga na ng apoy si Janine bilang Celestina Sanchez!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results