Pokwang, tinalakan ang dating kapitbahay na pabor sa pagsasara ng ABS-CBN

by PEP Troika
May 23, 2020
Pokwang to her former neighbor: “So, NGAYON, GUSTO MO MAIPASARA ANG ABS-CBN KASI DI NYO MATANGGAP NA YUNG DATI PINAGMAMARAMUTAN NYO NG TUBIG E NAKAKAPAG MINERAL WATER NA NGAYON?????"

JERRY OLEA

Beast mode si Pokwang dahil sa dating kapitbahay na nagsabing huwag nang ibalik ang ABS-CBN at panatilihin itong nakasara.

Nitong Mayo 22, Biyernes, isa si Pokwang sa mga nanawagan sa netizans via Facebook na pumirma sa online petition para ibalik sa ere ang Kapamilya Network.

Nai-share ito ng mga kamag-anak, kaibigan, at kapatid niya.

Himutok ni Pokwang sa FB nitong Mayo 23, Sabado ng umaga:

“Na-bother lang ako sa isang nag-comment sa post ng sister ko at ang sabi niya ay, ‘Wag na ibalik ‘yan, isara nayan!’

“Ay! Syempre, naloka ako at tiningnan ko kung sino siya? What?? Si Mang... (name withheld)?? di ako makapaniwala!!!

“Kapit-bahay namin sya sa Hinulugang Taktak from 1980 pa hanggang ngayon, kasi, meron pa kaming bahay doon...”

Ani Pokwang, saksi ang nasabing neighbor kung gaano kahirap ang buhay nila noong bata pa sila.

Nakikiigib sina Pokwang sa kapitbahay na iyon noong araw!

Pagpapatuloy ni Pokwang, “Hindi lingid sa inyo ang buhay ko noong bata pa kami.

Continue reading below ↓

“Tapos ngayon, gumanda ang buhay ko dahil di ko naman kasalanan na pinagpala ako ni God at sinagot mga dasal ko habang nagtitinda ako sa simbahan ng Antipolo araw-araw sa Mahal na Birhen at talent ko, at ABS-CBN ang naging sagot sa dasal ko!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Umangat kami, gumanda ang buhay, nakaalis kami sa lugar na di ko pinangarap doon lumaki at magkaisip ang mga anak ko dahil hindi magandang ehemplo ang mga makikita nila — inuman sa umaga, kumpulan para magsiraan sa kapit bahay, awayan sa araw at gabi at mga drug addict at mga manyakis na kapit bahay!

“So, NGAYON, GUSTO MO MAIPASARA ANG ABS-CBN KASI DI NYO MATANGGAP NA YUNG DATI PINAGMAMARAMUTAN NYO NG TUBIG E NAKAKAPAG MINERAL WATER NA NGAYON?????

“MALINAW NA MALINAW NA ISA SA DAHILAN NA NAIS NYONG MAIPASARA ANG NETWORK DAHIL SA INGGIT!!

“OO INGGIT!!! ISA SA PINAKAMASAMANG UGALI AT KASALANAN SA DIOS!! MY GOD!!!”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Iba’t ibang art cards na ang napo-post ng mga Kapamilya stars at employees para sa ipinaglalaban nilang pagbubukas muli ng ABS-CBN.

Naintindihan ko ang nararamdaman ni Pokwang kaya ganoon ang kanyang reaksiyon.

Ilang mambabatas ang nakausap ko, at sinasabi nilang mas mabuting manahimik na lang muna ang Kapamilya stars sa ngayon.

Continue reading below ↓

Sinimulan na ang pagdinig ng Kongreso sa application ng franchise, kaya sana ay ipanalangin na lang na mapabilis ito.

Pero ang ending pa rin nito ay ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Marami ang nagsasabing hindi nadadala o naaapektuhan ang ating Pangulo sa mga pag-iingay sa social media.

Kaya mas mabuting idaan na lang sa legal na proseso at mas mabuting manahimik na lang.

NOEL FERRER

Ang pagbubukas muli at pagbibigay ng bagong franchise sa ABS-CBN ay usaping legal.

Habang tayo ay vigilant na nagmamatyag, magandang ginagamit ang panahong ito to be productive.

Nakaka-bog down din ang pagpatol sa bashers at trolls. I’m sure that most stars have realized na ang power ng social media ay puwede nilang gamitin para sa mabuti at pagtulong at, oo, puwede ring pagkakitaan.

Kaya bukod sa isyu ng ABS-CBN, pagtuunan din natin ng pansin na mas maraming tao ngayon ang nangangailangan ng ating ayuda.

Continue reading below ↓

Mukhang sa huli’t huli, tayo-tayo na lang talaga ang magtutulungan.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang to her former neighbor: “So, NGAYON, GUSTO MO MAIPASARA ANG ABS-CBN KASI DI NYO MATANGGAP NA YUNG DATI PINAGMAMARAMUTAN NYO NG TUBIG E NAKAKAPAG MINERAL WATER NA NGAYON?????"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results